Alexandrea POV. Napatingin ako sa susi na nasa kamay ni Sebastian. Hindi niya iyon tinanggap. Sa halip ay ibinalik niya sa akin habang nakangiti. "Wag na, Alex. Bihira lang naman akong gumamit ng sasakyan. Mas gusto ko pa rin ang big bike." Alam kong hindi iyon ang tunay na dahilan. Kilala ko si Sebastian. Hindi siya komportable na tumanggap ng ganoong kamahal na bagay mula sa akin. Lalo na ngayon na alam niyang malaki ang posibilidad na alam na ni Mama ang tungkol sa aming dalawa. At sigurado akong hindi pa rin nito lubusang tanggap si Sebastian. Napabuntong-hininga ako. "Seb, hindi ko naman ito ibinibigay dahil kailangan mo." "Kaya nga mas lalong hindi ko dapat tanggapin." Napakunot-noo ako. "Bakit?" Ngumiti siya. Iyong ngiting kalmado na parang walang problema sa mundo.

