Third Person POV. Pagharap ni Isaac sa mga armadong lalaki, agad niyang itinaas ang isang kamay. "Dakpin sila." Walang pag-aalinlangan na kumilos ang mga tauhan. Sa loob lamang ng ilang segundo ay napapalibutan na sina Miranda at Marvel. Nang subukan ni Marvel na umatras, mabilis siyang nahawakan ng dalawang lalaki. "Bitawan ninyo ako!" Nagpumiglas siya siya habag nagmumura. "Alam ba ninyo kung sino ako?!" Ngunit walang ni isa sa mga ito ang sumagot. Samantala, inilabas ni Isaac ang kanyang cellphone at agad na tumawag. Tahimik ang buong living room habang nakikinig ang lahat. "May mga kriminal sa Mansion Alegre." Malamig at diretso ang kanyang boses. "Magpadala kayo dito ng mga pulis." Pagkatapos ay agad niyang pinutol ang tawag. Doon nagsimulang mag-panic sina Miranda at Marv

