Alexandrea POV. Ang buong akala ni Miranda ay wala siyang kalaban. At kaya niyang pumasok sa Mansion Alegre at gawin ang kahit anong gusto niya. Magagawa niya akong takutin katulad ng dati. Pero nagkamali siya. Dahil hindi na ako ang dating Alexandrea na tahimik lang na umiiyak sa sulok habang inaagaw nila ang lahat sa akin. Hindi ko makakalimutan ang ginawa nila noong teenager ako sa mismong eskwelahan. Araw-araw kinukuha nila ang pera ko at tinakot ako na papatayin si Mama kapag hindi ko sinunod ang gusto nila. Ilang taon nila ako ginawang tagasuporta sa mga kailangan ni Marvel sa high school hanggang naging colegio. Huminto lang ng Maka-graduate na kami, wala na silang chance na makalapit pa sa akin. Nagpalit na rin ako ng numero kaya tuluyang nawalan sila ng kontak sa akin. “

