Alexandrea POV. Uminit ang aking pakiramdam dahil sa ginagawa ni Seb. “Relax,” mahina niyang bulong. “Hindi kita hahalikan.” Ngunit parang nadismaya ako sa sinabi niya. At mukhang napansin niya iyon dahil bahagya siyang napangiti. “Dangerous ka pala kapag tahimik.” “A-Ano?” “Halatang disappointed ka.” Agad uminit ang mukha ko, “h-hindi ah!” mabilis kong tanggi. Tumawa si Seb ng malakas. Diyos ko… ngayon ko lang siya narinig tumawa nang ganito. At nakakahawa pala, pati ako ay natawa na rin. Ngunit maya-maya ay muli ring naging seryoso ang ekspresyon niya. “Alex…” “Yes, Seb?” “Nabanggit mo noon…” dahan-dahan niyang saad. “Iyong tungkol sa sperm donor.” Agad akong natigilan. Hindi ko inaasahang mabubuksan niya ang usaping iyon ngayon. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya hab

