Sebastian POV. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Alexandrea. Kahit kitang-kita ko ang pagkalito sa mga mata niya. At kahit ramdam kong natatakot siya sa direksyong tinatahak ng usapan namin. Hindi ako umatras, narito na ako kaya ipagpapatuloy ko. Dahil mula pa noong unang araw na nakita ko siya… alam ko nang hindi ako basta-bastang makakalayo sa kanya. Lalo pa ngayon na mas nakilala ko siya, mas lalong imposible. Tahimik lang si Alexandrea habang nakatingin sa akin. Pero alam kong magulo ang isip niya. Makikita ‘yon sa paraan ng mabilis niyang paghinga. At bahagyang panginginig ng mga daliri niya. Higit sa lahat ang paraan ng pag-iwas niya ng tingin sa tuwing tinititigan ko siya ng matiim. Parang may takot… pero hindi dahil sa akin. Kundi dahil sa nararamdaman niya para sa akin. “S

