Araw-araw akong kumukuha ng mga pagkain sa bahay para may madala ako para kina Laida. Maayos naman kami ni Fourth, I guess? Hindi ko siya kinakausap pero hindi ko din siya iniiwasan. I tried to focus on my studies. Kahit naman pa-chill-chill lang siya matataas ang score niya sa exams namin. Kada lunch may milkshake ako galing sa kaniya. Tinatanggap ko lang ito, iinuman ng kaunti tapos tinatapon ko bago mag-start ang klase kahit hindi ko pa ito naubos. Kada hapon, pinupuntahan ko sina Laida. Panonoorin silang kumain at pagkatapos ay magkukuwentuhan kami. Dumating ang araw ng intrams. Kahit iniiwasan ko na si Fourth—ang feelings ko para sa kaniya, nagbigay pa din ako sa support sa kanilang team. Kahit na kalaban nila ang section nina Kane. Kapag nakaka-shoot si Kane tumitingin ito sa

