Kung maaga akong umalis ng bahay kahapon, mas inagahan ko pa kinabukasan. Nagdala ako ng mga pagkain. Pastries, ulam, sandwich, juice at kung ano pa ang puwede kong kunin. May pagtataka man sa itsura ng aking yaya hindi na lang niya ako tinanong. "Umuwi agad," salubong ang kilay na sabi niya nang ihatid niya ako hanggang sa may sasakyan. I smiled and nodded. Hindi na muna ako agad pumasok sa classroom. Inubos ko ang ilang minuto ko sa benches na nasa likod ng matayog at malaking puno habang inaayos ang aking assignment. Nagmamadali ko kasi itong sagutan kagabi, ngunit sa labis na antok hindi ko natapos. Mga kulang isang oras bago ang pasukan, nagpunta ako ng cafeteria upang bumili ng tubig. Nakalimutan kong kumuha ng bottled water sa bahay kanina. Nakaramdam na ako ng uhaw. Pagkabili

