Kanina pa ako dito sa harap ng salamin dito sa loob ng aking walk in closet. Hindi kasi ako makapili ng aking susuotin. Sabi ni mommy white or black daw ang dapat na suot namin sa pag-attend ng lamay kaso sa dami ng white and black na damit ko hindi ko alam kung alin ang maganda at bagay na bagay sa akin. Ilang minuto na lang aalis na kami. "Ano ba iyan?!" nayayamot kong tinignan isa-isa ang natitirang damit sa cabinet na hindi ko pa nasusukat. Tshirt, dress or blouse. "Almira, pinapababa ka na ng mommy mo..." Ito na nga lang... Isang white vneck tshirt at black maong na palada na lang ang dinampot ko at sinuot. "Ba't ba ang tagal mong magbihis?" tanong ng aking yaya. "Dapat white or black daw ang isuot hindi ko alam kung alin ang bagay sa akin." Nagtaas ito ng kilay pagkata

