SWEET SIXTEEN
MAIYAK-IYAK AKO HABANG NILALAGAY SA MALETA ANG AKING MGA DAMIT. Kailangan naming lumipat ng bahay dahil magpapa-renovate kami. Aabutin ito ng ilang buwan kaya kailangan naming mag-stay muna sa isa naming bahay sa ibang syudad. Pagkatapos kong malagay ang huling damit na napili kong dalhin, sinara ko na ang zipper ng aking maleta. Tapos na ding i-pack ng mga katulong ang ibang gamit na dadalhin ko pa.
Lumabas ako ng kuwarto at bumaba sa may living room. Naroon sina Mommy at Daddy.
"Almira, ano ba iyang itsura mo, hija?" puna ni mommy.
Mas humaba pa ang nguso ko. Hindi talaga ako natutuwa.
"Mommy, puwede naman kasi tayong mag-rent na lang ng ibang house muna sa malapit, e."
"Ano ka ba naman, di ba, napag-usapan na natin 'to?"
Kung ako ang tatanungin, ayaw kong lumipat. Kulang isang oras ang biyahe mula rito hanggang sa bahay na lilipatan namin. Dahil mapapalayo ako sa Ariston, kailangan ko ding lumipat ng school. Lilipat ako sa Bridgeton. Ni wala nga akong kilala doon. Wala akong kaibigan doon.
Hindi na ako nagsalita. Naiiyak na talaga ako.
"Hija..." malumanay na tawag ni Daddy sa akin. Nagpunas ako ng luha at umayos ng upo.
"Magkakaroon ka din ng bagong kaibigan doon. Don't worry."
Ayaw ko na nga ng bagong kaibigan.
"Oh, bakit umiiyak iyan?" Naupo si Kuya Alwin sa tabi ko. Tumagilid ako ng upo at lumayo ng bahagya sa kaniya.
"Ano ba iyan, kung ano-ano na lang ang iniiyakan mo. As if mangingibang bansa tayo o kaya lilipat sa probinsya."
Sinimangutan ko siya. Bakit, e, ayaw ko ngang lumipat ng school.
"Magkakaroon ka din ng madaming kaibigan. Saka maganda din na lilipat tayo para maiwasan mo iyong tatlo mong kaibigan. I don't like them."
"Sa Bridgeton din nag-aaral si Fourth." At binanggit pa talaga niya ang bagay na iyon!
"Pabor nga sa'yo iyon, you'll be inspired to go to school everyday because your crush is there too."
"Kuya!"
Tumawa siya at lumayo sa atin.
"Cheer up, little sis. It's okay."
Nang hapon ding iyon, lumipat na kami ng bahay. Mas modern ang bahay, hindi gaya ng una naming bahay na minana pa namin sa ansetor. May indoor pool kami at ito ang pinakagusto ko dito kapag ganiyan na nagbabakasyon kami.
Ang mga maid ang nag-unpack at nag-ayos ng mga gamit ko sa aking cabinet. Habang ako naman ay nag-ikot-ikot na muna habang nag-o-overthink sa mga mangyayari sa school sa susunod na araw.
SUOT ANG SCHOOL UNIFORM NG BRIDGETON, LUMABAS NA AKO NG AKING SILID. Si mommy ay nag-aabang sa akin sa may sala. Sina Kuya at Daddy ay pumasok na sa trabaho, nauna silang umalis dahil may breakfast meeting daw ang mga ito.
"Mas bagay sa'yo ang uniform na iyan." Pinahaba ko ang aking nguso. Sinasabi lang ito ni mommy para hindi na ako malungkot.
"Totoo nga, Anak. Pagbutihin mo, huh. At ayusin mo din ang mukha at lakad mo. Campus crush yata 'tong anak ko ng Ariston. Dapat makuha mo din ang title na iyon sa Bridgeton."
"Wala akong plano na maging famous sa school na iyon, mommy." Nabalitaan ko na si Fourth ang campus crush doon, kaya di bale na lang.
Hinatid ako ni mommy hanggang sa naghihintay na sasakyan sa labas.
"Kung ayaw mo sa school na iyon, huwag ka pa ding gagawa ng hindi maganda." Ngumiwi ako.
Habang nasa biyahe, nilabas ko ang plano ng school. Tinignan ko ang iba't ibang mga building at kinabisado ko para hindi ako maligaw. Binigay ito ni Kuya sa akin kahapon. Para daw hindi ako magmukhang tanga.
Sinabi kasi niya na ibibilin niya ako kina Fourth o Dalton pero matigas akong humindi. Inabala pa niya ang mga tao. E, hindi ko nga gusto ang mga lalakeng iyon. Wala akong plano na dumikit sa kanila.
Kinakabahan ako pero pinilit ko pa ding magmukhang kalmado. Naglakad ako na para bang walang pakialam sa paligid. Maaga pa pero madami ng mga estudyante ang kasama kong naglalakad sa pathway.
At kung mamalasin ka nga naman, nakasabay ko pa sina Spike at Dalton.
"Hi, Almira!"
"Akala ko namamalikmata lang ako. Ikaw nga!"
Pinilit kong ngumiti. Mabuti at wala pa iyong kaibigan nila na iniiwasan kong makita.
"Come on, we'll show you around." Hinila ni Dalton ang palapulsuhan ko. Naglakad kami habang tinuturo niya sa akin ang mga building. Kung saan ang ladies room bawat building. Saan ang library na malaki at maliit. Kung saan ang gym, etc.
"Sumali ka sa cheering squad."
"Wala akong plano na magsasali sa iba't ibang groups."
"Sumali ka. Kahit sa basketball fans club na lang." Ngumiwi ako.
"Sali ka, huh..."
"Ayaw ko nga!"
Nagkamot sila ng ulo. Hindi nila ako mapipilit. At sa fans club pa mismo ng basketball? Para ano? Para i-cheer sila? Huwag na, no!
Fifteen minutes bago mag-start ang klase, pumasok na kami sa aming classroom.
Nakabuti din na maaga at sinamahan ako ng dalawa dahil nabawasan ang kaba ko.
Kinuhanan pa nila ako ng upuan. Nilagay nila sa gitna ang upuan ko. Masyado daw akong matangkad para sa ibang mga babae kaya dito lang daw ako, huwag na sa harapan.
"Okay. Salamat."
"Ayun! Marunong naman palang magpasalamat."
Natahimik ako. Grabe, kung tungkol pa din ito sa pagkalunod ko, ang tagal naman nilang makalimot.
"May transferee!" Malapit nang ma-occupy lahat ng mga upuan. May ilang mga estudyante na kabilang sa elite ang nakakilala sa akin. Natigilan sila at dumiretso. Ang iba ay tumango. Ang iba ay bumati ng Hi.
Luminga ako at napansin kong dalawang upuan na lang ang bakante. Iyong isa ay sa gilid ni Spike, siguro kay Fourth iyon. At iyong isa ay sa tabi ko naman.
Pumasok ang teacher at kasunod niya ang dalawang estudyante. Isang babae at si Fourth naman ang isa.
Bahagyang natigilan si Fourth nang makita niya ako. He look away immediately. Nagpunta sa likod ko ngunit laking gulat ko nang maupo siya sa tabi ko.
What the?!
Nanigas ako mula sa pagkakaupo. And I can hear the two smirks and whispering something. Gusto ko silang singhalan kaso ano na lang ang iisipin nila sa akin? Tiyak na pagtatawanan din nila ako kapag nalaman nila na apektado ako sa presence ni Fourth.
"Good morning, section Amethyst!" bati ng teacher. Akala ko magsisimula na agad ang lecture pero pinatayo pa niya talaga ako at pinakilala sa lahat. Pati ang mga estudyante ay pinatayo isa-isa mula sa kanilang mga upuan para magpakilala.
Tumayo si Fourth para ipakilala ang sarili.
"Fourth." Pagkatapos ay umupo na siya ulit.
Medyo distracted ako sa katabi ko kaya hindi gaanong pumapasok sa aking utak ang aming lesson. Wala daw ang pangalawang teacher kaya nang matapos ang unang subject naging maingay ang buong klase. Nag-uusap-usap ang iba, ang iba naman ay naghaharutan.
Pakiramdam ko ito iyong worst section sa buong school dahil may nagbabatuhan pa ng papel.
Iyong iba naman, naglalandian. May babaeng lumapit kay Fourth at nag-abot ng sulat. Pasimple kong sinulyapan ang papel na nilapag ng babae sa may desk ni Fourth. Hindi niya ito ginalaw.
Pakiramdam ko mapapanisan ako ng laway kaya kahit wala akong planong kausapin ang dalawa, nilingon ko sila.
Kaso nagsisi ako na ginawa ko iyon nang makita ko ang ayos nila. Nakikipaghalikan sila sa dalawang estudyanteng babae.
Oh my God! This is the worst section.
Hinilot ko ang aking ulo at napailing. Tumayo si Fourth at basta na lang lumabas ng classroom.
"Almira, bakit ba kasi hindi kayo nagpapansinan nun?" Tapos nang makipaglaplapan ang dalawa.
"Wala lang."
"Dapat ikaw na lang ang unang pumansin sa kaniya. Di ba niligtas ka niya? Nakapag-thank you ka na ba?"
There's no way na ako ang unang papansin sa kaniya.
May lumapit sa akin na grupo ng mga babae kaya naagaw na ang atensyon ko. They were so friendly. Hindi sila kasali sa elite. They were so honest at nasabi pa nila pati ang bagay na iyon. Mga scholar sila at ang mga magulang nila ay simpleng mga empleyado lang. They look kind and very polite.
"Sa amin ka na lang sumama mamayang break kung gusto mo."
"Sure!" Sa wakas may makakasama din ako. Hindi ko na kailangang magtiis kina Dalton at Spike. Buti sana kung hindi nila kasama si Fourth.
Hindi kami nagpansinan ni Fourth maghapon. Mas okay naman iyon sa akin dahil ayaw ko din talaga sa kaniya. Ewan ko ba. Basta ayaw ko sa kaniya.
Dumaan muna ako ng library nangbmatapos ang klase namin ng hapon. Nagkasabay pa kami ni Fourth sa pagpasok, may kasama siyang babae. Hindi ito iyong kasama niya noon sa Ariston na babae. Iba.
Nakahawak ang babae sa kaniyang braso. Napakalandi ng kaniyang boses, naiirita ako.
Hinanap ko na agad ang kailangan kong libro. Wala na akong time para maghanap sa book store kaya hihiram na lang ako dito.
Nakarating ako sa dulong bahagi ng library. Naroon daw ang mga ganoong libro sabi ng library assistant.
It took me how many minutes before I finally found it. Kinuha ko ito at kung kailan hahakbang na ako paalis. May narinig akong kakaiba.
Napalinga ako. Walang ibang tao sa banda rito kaya nakaramdam ako ng kilabot.
Kaso parang hindi naman multo. It was a weird sound. Halinghing... at saka ungol? Nanlaki ang aking mga mata.
Dinig ko din ang sipsipan ng mga labi nila. Umatras ako at sumilip sa likod na shelf. At nakita ko nga ang mga tao na naglilikha ng kakaibang ingay.
It was Fourth and a girl!