FDG—5

2169 Words
SEATMATE Hindi ko lubos akalain na may ganitong side iyong snob na lalakeng katabi ko sa classroom. At sixteen nakikipaglaplapan na siya? Really? Ayos pa sana kung nasa ibang lugar sila, iyong hindi sa school mas okay pa. Grabe! Sa school library talaga? Kumuha ako ng libro mula sa shelf saka ko binagsak bago ako tumakbo paalis. Sana mahiya man lang sila ng kaunti. Sa mga tables and chairs ay naabutan ko sina Spike at Dalton. "Oh, Almira... Para kang nakakita ng multo, huh..." Nalukot ang aking mukha ngunit hindi ako nagsalita. Gumagawa ng assignment ang dalawa. Wow, huh! Role model students! Inayos ni Spike ang isang upuan sa tabi niya. Pinaupo niya ako roon. "Nakita mo ba si Fourth?" tanong ni Dalton. Wala namang kakaiba sa mukha at tono niya habang nagtatanong. Hindi ako sumagot. Nag-angat ng mukha ang dalawang lalake na abala sa pagsusulat. Pinagmasdan nila ako ng ilang sandali. "What?!" inis kong tanong. Sabay silang tumawa. "So, nakita mo nga si Fourth..." Napangiwi na ako ng tuluyan. Tawa nang tawa ang dalawa. Ngunit natigil lang sila nang dumating si Fourth. Naupo ito sa gilid. Pinulot ang bag na nakalapag sa mesa saka nilabas ang notebook. Ngumisi ang dalawa. Si Fourth ay tamad namang tumingin sa kanila. Tumikhim sila sabay tingin sa akin. Agad naman akong nagbaba ng ulo. Nilabas ang aking ballpen mula sa bag at sinimulang magsulat. Gumagawa kami ng assignment namin para sa first subject namin bukas. Bilang lang ang libro kaya kailangan kong maki-share sa dalawa. "Nakatapos ba?" tanong ni Spike. Tapos na siya sa kaniyang assignment. Hindi ko alam kung sino ang tinatanong niya. At ano'ng nakatapos? Walang sumagot kaya nag-angat ako ng mukha sa pag-aakalang ako ang kinakausap. Tamad na nakatingin sa akin si Fourth. Ngayon ko lang napansin ang red lipstick na nasa collar ng kaniyang polo. Tsk! "Almira, istorbo ka," natatawang sita ni Dalton sa akin. Agad nag-init ang aking mukha. "Hindi motel ang library," nakangiwi ngunit taas kilay kong sagot. Kaunti na lang matatapos ko na ang sinusulat ko kaya minadali ko na. Hindi naman sumagot si Fourth nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Sinisindak pa yata ako ng lalakeng 'to. Nang matapos ako sa assigment, tumayo na ako. Binitbit ang aking bag saka tinaasan ng kilay si Fourth bago ko sila tinalikuran. ISANG LINGGO ANG MATULIN NA LUMIPAS. I did it! Nagkaroon na din ako ng mga kaibigan, sina Lu, Mimi at Yuri. Sa kanila ako sumasabay during lunchtime. Nagbabaon sila araw-araw kaya pati ako ay nagbabaon na din. Magulo sa cafeteria kaya mas gusto ko din na dito na lang sa likod ng gym kumain. Hindi na ulit ako nagpunta sa malaking library, dahil baka may iba na naman akong makita. Hindi pa din kami nagpapansinan ni Fourth at tingin ko kaya naming ignorahin ang isa't isa hanggang sa natapos ang school year na 'to. Sa lumipas na tatlong linggo, napansin ko na apat na beses nagpalit ng babae si Fourth. Grabe! Ang bata pa niya pero napakababaero na niya! Guwapong-guwapo sa sarili ang malandi! Sixteen lang siya pero baka may AIDS na siya. Tsss! "Bakit ganiyan ang mukha mo habang nakatingin kay Fourth?" Malakas na tinapik ni Dalton ang likod ko kaya hinampas ko din siya pabalik.. "Guwapo ni Fourth, no?" "Mas guwapo ang kuya niya," tamad ko namang komento. "Mas bata naman si Fourth at kaedad lang natin." "He's not guwapo for me. Napakababaero tapos kabata-bata pa niya pero mukhang may STD na." Malakas na tumawa ang dalawa. "He's not guwapo for me," panggagaya ni Spike sa sinabi ko. "STD through making out?" Oh, making out? Ibig sabihin hindi sila nag-aanuhan? Kahit pa! Tss! And I don't care! "Malay ba natin may mouth gonorrhea iyong babae na kasama." "Grabe ka namang mag-isip." Ngumuso lang ako ngunit agad napalitan ng tipid na ngiti nang dumaan sa harap namin ang isang grupo. "Hi, Almira!" Tinanguan ko ang grupo ng kalalakihan na bumati sa akin. Fourth year din sila at sa kabilang section sila. Kilala ko ang girlfriend ng isa sa kanila. Empleyado ang mga magulang niya sa kompanya namin. "Tara na," aya ko sa dalawa. Tapos na ang lunch break. Hindi ko kasama sina Yumi ngayon, hindi sila pumasok. May sakit daw silang tatlo. Malakas kasi ang ulan nang isang araw, naulanan kaming tatlo. Masama din ang pakiramdam ko ngayon. May kaunting sipon ako, kaso ayaw ko namang um-absent. Kaya ko namang pumasok. Bumahing ako kaya bahagya akong lumayo sa dalawa na nakasunod sa akin. Kaso may kasamang sipon na lumabas, tapos hindi ko agad nahanap ang panyo at tissue sa aking bag. Nataranta ako. Manginig-nginig din ang katawan ko dahil naiirita ako sa aking ilong, dahil nagtuloy-tuloy na ang sipon sa pagtulo. s**t! Nagyuko ako. Ang isang kamay ko ay tinakip ko sa aking ilong para walang makakita. It's so kadiri. Baka mamaya pagtawanan pa ako ng mga estudyante. Nakahinga ako nang maluwag nang mapunasan ko ang aking sipon. Damn! Nakakainis! "Ayos ka lang?" tanong ng dalawa. "Yeah. Just a little cold." Sa buong klase, hawak ko ang tissue o kaya naman ang panyo ko. Lumala pa ang aking nararamdaman nang matapos ang lunch break. Kasama ko sina Spike at Dalton na kumain sa cafeteria dahil wala akong choice. Mabuti na lang hindi sumabay sa amin si Fourth. Doon siya sa mesa ng bagong babae niya kumain, kasama ang mga kaibigan ng babae. I just learned that the girl he's with is a third year student. She's not yet even fifteen. Fourteen pa lang siya! Ano kaya ang nasa isip ng mga batang ito? Ako ito, tamang crush lang sa mga international celebrity. Hindi pa ako nagkagusto sa mga kaedad ko lang o iyong mga lalake na nakakasalamuha ko. At ayaw ko ding maranasang magkaroon ng crush sa school na 'to. Gusto kong saka lang ako makaramdam ng crush na iyan kapag tapos na ako sa college. Study first before landi. It's not so ideal to enter into a relationship at a very young age. Mai-inlove at teenage years, magkakaroon ng boyfriend. Tapos magbe-break. Mabo-broken heart and then you're grades will fall out. Nakakahiya! Kaya no crush muna, no love life, pumasok para matuto at hindi para magka-nobyo. Sa first class namin sa hapon, iba na ang pakiramdam ko. Nag-iinit na ang aking mga mata at sobrang sakit na din ng aking ulo. Pansin ko na napapatingin si Fourth sa akin maya't maya. Kung hindi lang panay tulo ang sipon ko, tatarayan ko sana siya kaso baka biglang lumobo ang sipon ko. My mouth feels hot. Ganoon din ang aking mga mata. "Almira, ayos ka lang?" tanong ng aming teacher sa akin. Tumigil siya sa pag-discuss. Tumango ako at nag-angat ng ulo para tumingin rito. Lumapit siya sa akin at kinapa ang aking noo. "May lagnat ka." "Fourth, ihatid mo siya sa clinic," utos nito kay Fourth. Akala ko aangal si Fourth pero tumayo ang lalake. Ganoon din sina Spike at Dalton. Mabagal akong humakbang dahil nanghihina din ako. Ang bag ko ay bitbit ni Spike. "Kaya mo bang maglakad?" tanong ni Dalton. "Gusto mo ba buhatin kita?" tanong din ni Spike. Nagtakip ako ng ilong nang muli akong bumahing. "Buhatin ka namin..." "Ano ako, kinatay na baboy?" angal ko naman. Tumawa ang dalawa. "Oh, si Fourth na lang ang bubuhat sa'yo. Si Fourth lang ata ang hinihintay mo, e." "Gago!" "Ay wow! Marunong ka palang magmura." "Marunong iyan, hindi lang marunong magmahal," hirit naman ni Spike. Natawa ako sa banat niya. "Ganda natin kapag tumatawa." "Heh!" Nangangati na naman ang ilong ko kaya muli kong tinakpan ang aking ilong. Binigyan ako ng gamot ng nurse na nasa clinic. Pinahiga na din muna ako sa isa sa mga bed. Akala ko aalis na ang tatlo at babalik sa classroom, pero nag-unahan pa talaga silang maupo sa mga upuan sa gilid ng kama. Naupo ako at nahiga dahil masama na talaga ang pakiramdam ko. Pinikit ko ang aking mga mata kaso muli akong nagdilat nang bigla akong hindi naging komportable. Naka-skirt lang kasi ako. Baka makatulog ako. Malikot pa man din akong matulog. Minsan nakabukaka pa ako. Inabot ko ang kumot at nagtalukbong. "Pumasok na kayo sa classroom, salamat sa inyo." Nakatulog ako. Mga isang oras din siguro. Paggising ko nagulat ako nang makita ang tatlong lalake na natutulog. Akala ko pa man din bumalik na sila sa classroom. "Bakit nandito pa din kayo?" Nilabas ko ang aking celphone at ite-text ko sana si mommy para magpasundo nang unahan ako ni Spike. "Kami na daw ang maghatid sa'yo," aniya. "Pumasok na kayo. Kaya ko na 'to." Kaso matigas ang ulo nila. Inagaw ni Dalton ang celphone ko at si Spike naman dinampot na ang bag ko. Sumakay kami sa sasakyan nina Fourth. Nakaabang na sa labas ang kaniyang personal driver paglabas namin ng gate. "Ang aga pa... Wala kayong teacher?" takang tanong ni mommy. "May sakit po si Almira, Tita." "Oh, my poor baby..." Nilapitan ako ni mommy. Sinalat niya ang aking noo at leeg. "May sinat ka." "Thank you, boys..." "Welcome, Tita. Nakabantay naman po ang driver nina Fourth sa labas ng school, kaya nagmagandang loob na po si Fourth na ihatid si Almira." Magandang loob? O naghahanap lang ng excuse para hindi pumasok? "Thank you... Masaya ako na okay na kayong dalawa," sabi ni mommy. Nagkaroon ng pagtataka ang mukha nina Dalton at Spike. "May issue ba kayong dalawa kaya hindi kayo nagpapansinan?" Ibubuka pa lang sana ni mommy ang kaniyang bibig nang unahan ko siya. "Away bata lang." Tumawa si Mommy. "Ano iyon?" bulong ni Spike. "Wala, tsismoso!" singhal ko naman sa kaniya sabay tulak sa kaniyang braso dahil ang lapit niya. "Tsss! Wala man lang kaming alam. May past pala kayong dalawa." Tumawa ulit si mommy. "Anyway.... Mamaya na kayo umuwi. Magmeryenda na muna kayo." Akala ko tatanggi pa sila, lalo na si Fourth na mukhang bored na bored na nakatayo pero nauna pa talaga siyang naupo sa sofa. Hinayaan ko na lang sila. Umakyat na ako sa kuwarto ko upang makapagpahinga. Tumaas pa ang lagnat ko kinagabihan kaya hindi na ako nakapasok kinaumagahan. Sa lunes na lang daw ako papasok sabi ni mommy. SUNDAY. Sumasakit na ang likod at batok ko sa kahihiga kaya naisipan kong lumabas na muna ng aking silid. Pero laking sisi ko nang makita ko sina Fourth, Spike at Dalton na nakaupo sa sala at nagmemeryenda. Ano'ng ginagawa ng mga 'to dito? "Oh, Almira. Mabuti naman at bumaba ka na, aakyatin na sana kita," sabi ni Mommy. Nakatingin din sa akin sina Kuya at Daddy. Nakaupo sila sa gilid. In-entertain nila ang mga bisita. Ewan ko kung bisita o buisita. Basta! Iba ang pakiramdam ko! Masama ang kutob ko sa tatlong mga lalakeng 'to. "Nagdala ng prutas para sa'yo sina Fourth." Ano'ng nangyayari? Bakit sila dumalaw? At para saan ang prutas? Bago umalis sina mommy, daddy at Kuya mapanukso nila akong tinignan. Tumikhim ako nang kaming apat na lang. "Ano'ng ginagawa niyo dito?" "Dinadalaw ka namin." "Hindi ako naniniwalang pinuntahan niyo ako dito para kumustahin at dalhan ng prutas." Humalukipkip ako. Ngumisi si Fourth at tumayo. "B-Bakit?" utal kong tanong nang humakbang siya palapit sa akin. Nilabas niya ang kaniyang celphone. May pinakita siyang isang video doon. Ang video namin noon nina Bambie habang nag-iinom sa may swimming pool. "What's that?" inis kong tanong. Alam ko na kung para saan 'to. He's trying to blackmail me. For what? "What do you want?" "I want you to lead a cheering squad for me," seryosong sambit niya. "What?! Ako?! Mag-chi-cheer sa'yo?! No way!" "Huwag mo akong takutin. Kahit ipakita mo pa yan kina mommy at daddy. I don't care." Kinalikot niya ang celphone niya. Mayroon pa ba siyang hawak na video laban sa akin? Eh, siya nga 'tong may kababalaghan na ginagawa, ako pa 'tong tinatakot niya. Nanatiling matalas ang tingin ko sa kaniya, ngunit nang makita ko ang picture na nasa screen niya, para akong nauupos na kandila. Namutla ako. Nandidiri. Naiinis! I feel worst! Ngumisi siya. He look satisfied. "What if..." "Don't!" pigil ko sa kaniya. Nakakainis! Kaso image ko na ang nakasalalay dito. Pagpipiyestahan ako ng mga kakilala ko, haters ko at baka manguna pa sa mam-bully sa akin sina Bambie. Masama pa man din ang loob ng mga iyon sa akin dahil hindi ko daw sila sinabihan na mag-transfer sila. E di, sana nasabihan din daw nila ang mga magulang nila na sa Bridgeton din sila mag-aaral. Okay na ako na wala sila. "Good girl..." He smirked. "Kanino mo 'to pinakita?" "Sa'yo pa lang." Akala ko nakita din ng dalawang bakulaw na 'to. "Burahin mo iyan, susundin ko ang gusto mo." "Not so fast, Miss..." Nang makaalis silang tatlo, parang wala ako sa sarili. Hindi puwedeng makita ng iba iyong picture ko na may tumutulong sipon. Ewww! Wala akong choice kung hindi mag-cheer para sa Fourth na iyon. Pero bakit ako? Of all people, bakit ako pa ang nakita niya? Tatahi-tahimik ang gago pero nakamasid lang pala at naghihintay ng magandang timing para buwisitin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD