LUNES. Mag-isa akong kumain ng breakfast dahil tulog pa sina mommy, daddy at kuya. Sinadya ko din talagang bumangon at pumasok ng maaga ngayong araw.
"Magbabaon ka?" Tango lang ang sinagot ko kay Yaya, dahil puno ang aking bunganga ng pagkain. Nagmamadali kasi ako. Hindi ako nakatulog ng maayos sa magdamag dahil sa kaaabang ko ng oras.
Magtutuos kami ng Fourth na iyon ngayong araw. Nabigla ako kahapon kaya hindi na ako gaanong nakapag-isip, e. Basta na lang din kasi siya umalis.
Inubos ko ang hot milk sa aking mug bago ako tumayo. Naayos na din ni Yaya ang baon ko. Binitbit ko ito at nagmamadali ng lumabas at sumakay sa sasakyan.
Pagdating ko sa gate ng school sakto ding dumating sina Spike at Dalton. Nginitian ako ng mga 'to saka maangas akong tinanguan.
"Ang aga mo, huh..."
"Si Fourth?" nakapamewang kong tanong. Makahulugan nila akong nginisihan kaya inirapan ko sila.
"On the way na daw."
Maaga din talaga iyon pumapasok. Inaagahan niya lagi ang pasok, para may oras pa siyang makipaglandian sa kung sino mang babae na available.
Nauna na akong naglakad hanggang sa classroom namin. Naupo ako at tahimik na nag-iisip ng paraan kung paano ko makukuha ang celphone ni Fourth. Kailangan kong burahin ang picture ko doon. Kailangan ko din siyang makausap ng maayos. Ayaw ko siyang ipag-cheer. Tiyak na bawat basketball game niya kailangang nandoon ako. Gusto ko ngang umuwi ng maaga palagi. Hindi din talaga ako mahilig sa basketball.
Nanginginig talaga ang laman ko kapag naaalala ko iyong nangyari. Iyong picture na hawak ni Fourth. Literal na napapangiwi ako.
Umayos ako ng upo nang dumating si Fourth. Bahagya pa siyang napahinto nang makita niya ako. Nang makabawi ay taas kilay niya akong tinignan saka naupo sa upuan niya na nasa tabi ko.
"Alam mo, ikaw!" Tinuro ko siya gamit ang aking hintuturo.
"Akala ko pa man din mabuti kang nilalang kahit na type M ang dugong dumadaloy sa buo mong katawan!"
"What?" Nagsalubong ang kaniyang kilay.
"Ang aga-aga naman niyan, Mira!" reklamo ni Dalton sa aking likuran.
"Akala ko pa man din kanina, kaya mo tinatanong si Fourth dahil miss mo na siya agad."
Nagtawanan sila at nakisali pa talaga si Fourth. Kaya lang naman malakas ang loob ko na awayin si Fourth dahil wala pa iyong ibang kaklase namin. Kaming apat pa lang.
"Heh! Manahimik ka!"
Ngumisi si Fourth.
"Ngingisi-ngisi ka pa! Sabagay, totoo naman ang sinabi ko! Noon isang M ka lang, e. Ngayon triple M na!"
"Ano'ng triple M?" tanong ng dalawa sa likod.
"Matandang mayaman madaling mamatay?" sagot ni Dalton.
"Gago, apat naman iyon!" Nagtalo pa silang dalawa.
"Ma—basta. Iyong una, akin na lang yon." Namula ang aking pisngi.
"Yung pangalawang M, masamang ugali. Yung pangatlong M, iyon iyong type ng dugo na nananalaytay sa ugat niya. Dugong malibog!"
"Boom!" sigaw ng dalawa sabay halakhak ng malakas. Napangisi din naman si Fourth. Parang wala lang sa kaniya ang sinabi ko.
"May type M palang dugo," bulong ng dalawa habang hindi pa din maawat ang pagtawa.
"Type M ka din naman, Mira, ah!"
Nanlalaking ang aking mga mata na nilingon ko si Spike.
"Excuse me, I'm not malibog! Never pa nga akong nagkaroon ng crush at boyfriend!"
Tuwang-tuwa sila dahil nagawa nila akong inisin.
"Iyong dugong malibog, ipaubaya na lang natin kay Fourth," sabi naman niya.
"Naku, magkakasundo tayo. Pero ano'ng M yang sinasabi niyo? Siguraduhin niyo lang na matutuwa ako. Kung hindi!"
Tinaas ko ang aking kamao upang bantaan siya.
"Maganda!" sabay pa nilang sambit.
Tumawa ako. Pinagloloko na lang ata ako nitong dalawang 'to. Pero sabagay, totoo naman na maganda ako.
"Ako type M na din ako. Maangas!"
Nag-apir silang dalawa.
"Ako naman matalino!"
"That makes us the four M. MMMM!"
Natawa kaming apat. Napansin ko na nakatingin sa akin si Fourth kaya nag-iwas ako ng tingin, saka tinikom ang aking bibig.
Ayun, nawala na sa topic. Tumikhim ako bago ko siya hinarap at seryosong tinignan.
"Burahin mo na iyong picture at video," sabi ko.
"Ano'ng video?" tanong ulit ng dalawa.
Umupo ng tuwid si Fourth at hindi ako pinansin.
"May scandal kayo?"
"Ano'ng scandal? Sino'ng may scandal?" tanong ng lalake na pumasok dito sa classroom. May kasama pa siyang isang lalake. Parang ngayon ko lang sila nakita.
"Angus, Caius!" tawag sa kanila nina Spike at Dalton.
"Akala namin nag-enroll na kayo sa US."
"Ayaw namin doon."
"And who is this lady here?" Tinignan nila ako bago nilipat ang mga mata kay Fourth.
"Flavor of the week, Fourth?"
Nagpantig ang aking tenga. "Excuse me?" pagtataray ko. "I'm not a cheap girl, no!"
Tumawa sila. "Wow! Bago, huh..."
"Hindi mo gusto si Fourth?"
"Never!" Napatirik ang aking mga mata sa inis.
"I'm Caius by the way." Nakipag-fist bump siya.
"Angus..." Nakipagkamay naman siya. Hindi nalalayo ang itsura nila kina Fourth. Matangkad, maayos at may katamtamang laki ng katawan, maputi, makinis at amoy mabango.
"Almira Montenegro..."
"Nice!"
Nagsidatingan na din ang iba naming mga kaklase, kaya nanahimik na din ako kahit na gigil na gigil ako sa katabi ko. Nasira ang plano ko na komprontahin siya. Asungot kasi 'tong dalawa sa likod.
Nakanguso ako saka nakahalukipkip. Hindi ko pinapansin ang mga bumabati sa akin. Hindi maganda ang araw ko.
Nagulat na lang ako nang ipatong ni Fourth ang ballpen sa aking nguso.
"Fourth!" saway ko rito.
Tumawa siya. "Ang haba ng nguso mo."
Aba! Ang lakas ng trip niya. At pinagtatawanan pa talaga niya ako.
"At ikaw naman! Ang sama ng ugali mo, ang panghi mo!"
Napatingin sa akin ang mga kaklase namin. Ang mga kababaihan ay nanlalaki ang mga mata, habang ang mga lalake naman ay napatawa.
"Mapanghi pala, Fourth, e."
Nagsimula silang manukso.
"Bakit naamoy mo na, Almira?"
"Oy, Almira! Huwag mo'ng sabihing sinubo mo si Fourth!"
Nagtawanan sila.
"Oo nga, no! Paano niya nasabing mapanghi? Malamang sinubo niya!"
Nag-usap-usap na sila. Kaniya-kaniya silang palitan ng idea kung paano ko nasabi na mapanghi si Fourth. Parang gusto kong lumubog at maglaho na lang. Imbes na mapahiya si Fourth ako pa 'tong napagkaisahan at pinagtatawanan ngayon.
And what the fudge?! How come that they think this way? At parang wala lang sa kanila?
Hindi ako nakapagsalita. Nablangko ako.
God! Kakaiba ang school na 'to pati na din ang mga estudyante na napaka-advance mag-isip. Akala mo mga adult na at parang wala lang sa kanila ang usapang blow... Urgh! I don't want to say it.
"Masarap ba, Almira?" tukso ng isa sa member ng basketball team na nakaupo sa dulo.
"Swerte mo naman, Almira..." sabi naman ng isa sa mga babae.
"Ano'ng masarap at suwerte? Mapanghi nga daw, di ba?" sabat naman ni Caius.
Nakakabingi at nakakairita ang tawanan at ingay ng buong klase namin. Mabuti na lang at dumating na ang teacher namin. Doon pa lang sila nanahimik at nagsipunta sa kani-kanilang mga upuan.