"Uuwi na nga ako." Nagtatalo kami ni Fourth dahil ang gusto niya ay manood ako ng practice game nila sa gym. Katatapos lang ng last subject namin. Akala ko makakalusot na ako pero nahabol niya ako sa gate.
Hindi siya nagsalita pero hindi ko na din nagawa pang ipilit ang gusto ko dahil tiyak na magtatalo lang kami.
Plano talaga akong pasunurin ng lalakeng 'to kaya niya ginagawa 'to. Ang dami namang mga babae kasi diyan na willing na maging sunod-sunuran sa gusto niya pero ako pa talaga ang gustong-gusto niyang pestehin.
Sumumod ako sa gym sa kaniya. Ginawa din niya akong tagabantay ng kaniyang sports bag.
"Oh, Almira..." Mapagdudang tumingin sa akin ang mga kalalakihan nang makita ako. Hindi lang naman ako ang babae na narito. Marami. Ang ilan ay mga nobya siguro ng mga ilan sa mga player at ilan naman ay mga fans club. May fans club din naman si Fourth kaya mas lalo pa akong nagngitngit sa inis.
I shrugged and didn't utter a single word. Hindi ako nag-cheer sa buong game. Natumba pa nga si Fourth pero inismiran ko lang naman siya. Ang kaniyang mga fans ang bukod tanging nag-iingay dahil sa pagchi-cheer sa kaniya.
Nang matapos ang practice, tumayo na din ako. Lumapit siya sa akin. Hinihingal at pawisan.
Masungit niya akong tinignan. "Ano na naman?" inis ko namang singhal sa kaniya.
"Give me my towel."
Kinuha ko ang towel sa kaniyang bag. Nasa ilalim ang kaniyang mga towels kasama ang kaniyang mga underwear. Nahawakan ko pa ang kaniyang brief kaya nalukot ang aking mukha.
"Tsk! Ang arte..."
Masama ko lang siyang tinignan. Ayaw ko ng makipagtalo kasi uwing-uwi na ako.
"Baka magtaka at nag-aalala na si mommy sa akin."
"Ihahatid kita. Ako na ang magsasabi sa kanila kung bakit ka late umuwi."
Kapag nangyari iyon, tiyak na tutuksuhin ako nina Mommy at Kuya.
"No thanks. May driver naman akong naghihintay sa labas. Tapos na ang game, mauuna na ako."
"Hintayin mo na muna ako."
"Ano ba naman iyan, Fourth?!"
"Bakit? Hindi mo nga ginawa ang dapat gawin mong ngayon tapos nagrereklamo ka. Hintayin mo ako. I'll just take a bath."
"Tsk! Doon ka na lang sa inyo maligo."
Binitbit niya ang kaniyang bag saka naglakad na patungong locker room.
Inip na inip akong naghintay. Nakaalis na ang half ng team na naglaro pero si Fourth naliligo pa rin.
Nang makalabas sya ng locker room, tumayo na ako at namewang. Hinintay ko siyang makalapit sa akin.
"Ano puwede na ba akong umuwi?" pagsusungit ko.
"Ihahatid na kita. Kakausapin ko sina Tita."
"Huwag na nga!"
Hinablot niya sa akin ang bag ko kaya nag-agawan kaming dalawa. Tumatawa siya habang pilit kong inaagaw at hinahablot ang bag ko na hawak niya.
"Fourth, nakakainis ka talaga!"
Hinawakan niya ang bunbunan ko saka ako marahang tinulak upang simulan nang maglakad.
"May fans club ka naman pero bakit kailangan mo pa akong i-blackmail..." anas ko habang naglalakad kami sa may pathway.
"Imbes na pag-aaral lang ang inaatupag ko kailangan ko pa tuloy mag-cheer at magpa-late ng uwi kada may practice ka."
Nilingon ko siya dahil hindi siya nagsasalita.
"Sabihin mo nga sa akin, huh! Bakit mo ako pinagtitripan?"
"Hindi mo naman ako gusto, di ba?"
Umangat ang magkabilang sulok ng kaniyang mga labi.
Nanlaki ang aking mga mata at tila nablangko ang aking isipan. Kung hindi pa niya pinitik ang tenga ko hindi pa ako makakaimik.
"May g-gusto ka sa akin?"
"Don't be so full of yourself, Almira. Sabihin na nating may kasalanan ka sa akin at may utang na loob ka din na kailangan mong pagbayaran."
"Ano'ng kasalanan?"
Hindi siya sumagot.
"Ano nga?!"
"Iyong noong thirteen years old pa tayo?" tanong ko habang namumula ang aking mga pisngi.
"At iyong pagsagip mo sa akin?"
"Thank you sa pagsagip mo sa akin. Thank you! O, ano, kwits na ba tayo?"
Ngali-ngali ko siyang batukan dahil hindi siya umimik. Dire-diretso lang siyang naglakad.
"Sorry and thank you nga, e!"
"Galit pa din ako."
"Ikaw naman, tatlong taon na iyong nangyari... Hindi ka pa din maka-move on? At I'm sure lumaki na ngayon iyan dahil natuli ka na."
Natigilan siya sa paglalakad. Kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang tenga at leeg. Nang mapagtanto ko ang aking nasabi, nag-init din ang aking pisngi.
Tumikhim siya at nagpatuloy sa paglalakad.
Ngumuso ako at nag-isip ng sasabihin upang mawala ang awkwardness sa pagitan namin.
I tried to crack a joke pero tingin ko mas lalo lang naging awkward pero kunwari wala lang iyon sa akin.
"Hindi ba lumaki kaya hanggang ngayon dinidibdib mo pa din ang sinabi ko?"
Tumigil siya sa paglalakad at hinawakan bigla ang aking mga kamay. Nalaglag ang aking panga at ang mga mata ko ay namilog sa gulat.
"Ano'ng ginagawa mo?!"
"Hawakan mo, para malaman mo. Tapos saka mo sabihin kung maliit pa din o malaki na!"
"Ewww!" Tinadyakan ko siya ngunit hindi pa din niya binibitawan ang kamay ko. Halos mangisay ako sa inis at pandidiri habang ang kamay ko ay nanatiling hawak niya.
Napakalakas ng kaniyang tawa. Tuwang-tuwa sa kaniyang kalokohan.
"Fourth!" tili ko nang dalhin niya ang kamay ko sa kaniyang dibdib. Halos maglupasay ako sa pandidiri sa pinaggagawa niya. Tumatawa siyang bumitaw.
"Buwisit ka!" sigaw ko sa kaniya habang pinupunasan ko ang kamay ko na hawak niya kanina.
"Paano ba ako makakawala sa sumpa mo? Ikaw din naman ang may kasalanan nun. Ginalit mo ako. Ang sungit-sungit mo kasi."
"Tsssk! Hindi lang iyon ang kasalanan mo sa akin. You even bullied me at Ariston..."
"Mas malaki naman talaga sa'yo si Huxley, ah..."
"Nakita mo na?" Nakangisi niyang tanong. Tingin ko hindi naman talaga siya affected doon sa malaki at maliit. Gumagawa na lang siya ng issue, e, para mapasunod ako.
"Mas malaki ang katawan, hello?!"
"Tara na. Late na."
"Kung hindi mo ako hinila sa gym, kanina pa sana ako nakauwi!" Hindi siya nagsalita. Seryoso na ulit siya. Ang bilis magbago ng mood.
"Hindi ba magseselos ang mga girlfriend mo dahil ako ang sinasama mo sa practice game at hindi sila?"
"I don't have a girlfriend."
"Ay wow! Grabe!"
"They're not my girlfriends. Pinagbibigyan ko lang sila."
"Alam mo, ikaw... Mas playboy ka pa sa Kuya mo. We're just sixteen pero nakarami ka na."
"I'm just enjoying my life, Almira."
Tinulak niya ako papasok sa loob ng kanilang sasakyan kaya sinipa ko naman siya patalikod.
"Ganiyan ang way mo para mag-enjoy? Magkakasakit ka niyan! May dala ka bang condom lagi?"
"Paano kung magkasakit ka? Makabuntis ka?"
Ngumisi siya.
"May nabubuntis ba sa halikan lang?"
"Malay natin!"
"Subukan natin, baka—
Nilapit niya ang mukha niya sa akin.
"Gago!" Kinurot ko siya sa kaniyang tagiliran.
"Huwag mo akong pinagloloko. Hindi ako gaya ng mga cheap mong mga babae. Mag-aral ka nga ng mabuti! You're going to manage a big company someday, so study hard."
May sumilay na malaking mga ngiti sa kaniyang mga labi kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Why?"
"Nothing. Napakaseryoso mo kasi sa buhay."
Ngumuso ako at hindi na muling nagsalita. Tumingin ako sa may bintana at na-realize kung ano ang nagbago ngayong araw.
What the?!
After fifteen minutes dumating na kami sa bahay.
"Huwag ka ng bumaba, dumiretso ka na lang ng uwi!" sabi ko sa kaniya pero nauna pa talaga siyang pumasok sa loob ng bahay namin.
Yamot na yamot akong sumunod sa kaniya. Kailangan kong ihanda ang aking sarili sa pang-aasar ng aking pamilya dahil dito.
"Fourth, Almira..."
"Magkasama kayo?"
"Nag-date kayo?"
"Akala ko ba, no boyfriend ka muna, baby?"
"Pero ayos lang kung si Fourth naman. Basta alam niyo ang limitasyon niyo, okay?"
"No s*x before eighteen..."
"Mommy!"
Tumawa sila ni Daddy. Grabe talaga!
Tumawa din si Fourth.
"Pasensya na po kung late nang nakauwi si Almira. Kasama po kasi siya sa basketball fans club."
"Talaga? Akala ko hindi ka mahilig sa basketball, baby?"
Hindi na lang ako nagsalita.
"Oh, dahil nandoon si Fourth?"
Mapanukso ang ngiti na umukit sa labi nina daddy at mommy. Nagkatinginan pa silang dalawa. Inikot ko naman ang aking mga mata.
"Kumain na po tayo, nagugutom na ako. At ikaw..." Tinignan ko si Fourth.
"Baka hinihintay ka na din sa inyo."
"Okay. Aalis na po ako, Tita, Tito..."
"Okay, son in law." Tumawa si Mommy nang umungol ako sa sobrang inis. Gustong-gusto talaga nila akong inaasar, e.