FDG— 8

1455 Words
AUGUST CAME... May basketball game ang Bridgeton at Ariston. This year ang Ariston ang pupunta dito para makipaglaro. Suot ko ang pulang jersey ni Fourth habang nakatayo dito sa bleachers. Parang last year lang si Huxley ang chini-cheer ko tapos ngayon, siya na. At ito mismo ang dahilan kung bakit niya ako gustong mag-cheer sa kaniya. Ang babaw niya! Ang dami-dami ngang myembro ng kaniyang fans club, e. Madaming mga babaeng estudyanteng na taga Ariston ang nagpunta. Nagwa-warm up pa lang ang mga players pero nagsisimula na silang mag-cheer. Tumingin sa gawi ko si Fourth. Wala pa ako sa mood na mag-cheer kaya bahala siya diyan. "Pakitaan mo ako ng magandang laro para ganahan akong mag-cheer para sa'yo!" sigaw ko. Tumawa naman ang kaniyang mga kaibigan. The match started. Kumpara last year malaki ang improvement ng magkabilang mga team. Kapansin-pansin din ang mga katawan nila na mas lumaki. Ang liliksi din ng kanilang mga kilos. Naka-shoot si Huxley kaya nagtitili sa tuwa ang mga fans club niya. Kasama sa grupo ang mga dati kong kaibigan na kanina pa nakatingin ng masama sa akin. "Ano ba iyan, Fourth!" sigaw ko. Para kasing wala siya sa mood. Inis na tumingin si Fourth sa akin. Ngumisi ako sabay peace sign sa kaniya. "Ariston! Ariston!" walang energy na cheer ng team namin. Alam kong banas na banas na din si Fourth. After how many minutes, tumayo na ako. Hindi puwedeng matalo sila. Talo na sila last year dapat manalo sila ngayon. "Go, Fourth!" Pumalakpak ako. "Fourth! Fourth! Fourth!" Tinapatan namin ang ingay ng mga taga-Ariston. "Yes!" Nagtitili kami nang maka-shoot siya. Sinundan pa niya ng three points. May dunk pa siya. Ayan, ginanahan na. Tumingin siya sa akin at maangas na ngumisi. Tumawa lang naman ako. Kaso nang ilang minuto na lang bago matapos ang laro, umariba sa kabila. Hindi na din ako mapakali. Tatayo ako o kaya ay uupo. "Fourth! Galingan mo!" Halos magkasingtangkad na sila ni Huxley pero mas malaki pa din ang katawan ng lalake kaysa sa kaniya. Ilang beses din niyang binangga si Fourth. "Fourth! Kapag nanalo kayo, may kiss ka kay Almira!" sigaw ng presidente ng kaniyang fans club. What the fudge?! Inis kong tinignan ang babae. Keme naman itong ngumiti. "Hayaan mo na. Sinabi ko lang naman iyon para pagbutihin niya. Pero kung gusto mong tuparin, why not." Yucks! Hindi ko hahalikan ang lalakeng iyan! Mabuti na nga lang at wala akong malay nang i-mouth to mouth niya ako. Baka kung may malay ako gabi-gabi kong bangungot ang nangyaring iyon. "Fourth, may kiss ka kay Almira kapag nanalo kayo!" Tumatawa at tumitili ang ibang mga estudyante. Ang mga taga-section namin ay nakikisigaw at cheer na din. Kabadong-kabado naman ako. Hindi ko din alam kung bakit ako apektado. Sila naman ang may sabi nun at hindi ako. E di, sila ang humalik kay Fourth hindi ako. Natapos ang laro. At nanalo sina Fourth. Isang puntos lang ang lamang. Tinutukso na din kami ng lahat ng mga estudyante. "Ako, Almira, walang kiss?" biro ni Caius. "Ano'ng kiss? Walang kiss! Tsk!" "Ginalingan pa man din ni Fourth para sa kiss," natatawang sabi ni Dalton. Wala na si Fourth, nasa locker room na siya para maligo. Ganito siya kada matatapos na maglaro ng basketball. Sa isang buwan mahigit na pagiging alila ko, halos makabisado ko na ang mga kilos at ginagawa niya. "Umaasa ang tao sa kiss na iyon. Baka nakailang toothbrush na iyon at mouthwash." Natatawa kong sinapak ang mga kaibigan niyang mapang-asar. "Almira!" Nilingon ko sina Bambie. Hindi na masama ang tingin nila sa akin gaya kanina pero makikita pa din ang inis at pagtatampo doon. "Masama pa din ang loob namin sa'yo." I don't care sabi ng isip ko pero kunwari na lang affected ako. "Sorry na nga, e. Biglaan kasi ang nangyari." "Tumatanggap pa ba ng transferee ang school niyo?" "Hindi na!" mabilis kong sagot. "Namimis ka na namin." Oh talaga? Mga sinungaling ang mga pangit na 'to! "Oh, Fourth! Ano nakailang toothbrush ka?" biro nina Spike. Hindi ko magawang lingunin si Fourth. Kinakabahan na naman ako. Dapat talaga, nauna na akong umuwi kanina, e. "Akala ko ba no boyfriend hangga't hindi natatapos ng college?" Mapanghusgang tumingin sa akin ang mga dati kong kaibigan. Hindi ko naman boyfriend si Fourth, kaso hindi ko na lang tinama kung ano man ang iniisip nila. Isipin nila ang gusto nilang isipin. "Let's go," aya ni Fourth. "Sige, girls. Ba-bye!" Tumalikod na ako at nagmamadali ang mga hakbang na sumunod kay Fourth, pero ang totoo nangangatog ang tuhod ko dahil sa kaba. Sumakay kami sa sasakyan nila. Tuwing may basketball game hinahatid niya ako sa bahay. Nasanay na nga lang din ang pamilya ko rito. Nabawasan na ang panunukso nila sa amin kaso nga lang lagi akong pinapaalalahanan ni Mommy. No s*x before eighteen at no teens pregnancy. Bawal magbuntis hanggat hindi pa ako graduate ng college. Ewan ko kung bakit ganito mag-isip ang parents ko. Ang modern nila. Mas gusto ko pa siguro kung ang advice nila ay mag-graduate ka na muna ng college bago ka mag-boyfriend at mag-asawa. "Kumain na muna tayo sa labas," sabi ni Fourth. Nanatili akong nakatingin sa may bintana dahil naiilang ako. "May assignment pa tayo," pagdadahilan ko dahil hindi ako komportable ngayon. Kailangan kong itulog itong nararamdaman ko. Paggising ko bukas, balik na ulit sa normal ang lahat. "Okay..." Nang malapit na kami sa gate ng subdivision, tumikhim si Fourth. Nagsalubong ang kilay ko, dahil sa kakaibang kislap ng kaniyang mga mata at ang masayang ngiti sa kaniyang mga labi. "Napaano ka?" Umiling siya. "May utang kang halik sa akin." Ay 'nak ng! "Ano'ng utang?!" "Basta may utang kang halik sa akin." Namula ang pisngi ko sa pagkailang, pero hindi ko pinahalata sa kaniya na apektado ako. Tiyak na aasarin pa niya ako lalo. "Huwag mong sabihin na hindi ka tutupad?" "Ngayon na ba? Puwede bang bukas na?" Naging malikot ang aking mga mata. "Tsk! Ngayon na! Baka sakaling mawala ang sakit ng katawan ko." Sumimangot ako. "Mag-toothbrush muna ako!" Bagong toothbrush lang siya, nakakahiya naman. Lumapit siya sa akin. "Nag-toothbrush ka naman na kanina, di ba? Smack lang iyon. Ano'ng iniisip mo, na torrid kiss?" Nakakainis ang ngisi sa labi niya pero ewan ko ba mas nadadagdagan ang kaguwapuhan niya kapag ganiyan na nakangisi siya. "Kahit na! Nakapag-toothbrush ka na tapos ako hindi pa." Nanlaki ang mga mata ko nang ilapit pa niya lalo ang mukha niya sa akin. Nang maramdaman ko ang kaniyang mainit at mabangong hininga na tumatama sa aking ilong, pinikit ko ang aking mga mata. Seconds later... His lips landed on mine. Hinihingal ako nang lumayo siya sa akin at umayos ng upo. "Makahingal ka naman, akala mo naman nilaplap kita," natatawa niyang sabi. Napansin ko ang pagdila niya sa kaniyang labi na kanina lang ay lumapat sa labi ko. Napaiwas ako ng tingin. "Nagulat ako, e! Sabi ko na ngang bukas na!" "Oh, di iba pa bukas..." "Hoy, namumuro ka na, huh?!" Tumawa siya. "Nga pala... Total tapos na ang game mo with Ariston. Baka puwede na tapos na din ang pagiging sunod-sunuran ko sa gusto mo? Quits na tayo. Nakahalik ka pa nga sa akin." Ngumuso ako. "Ano'ng halik? Halik na iyon sa'yo?" "Naglapat ang labi natin. Halik iyon!" giit ko naman. "Oh, ano, quits na tayo okay?" "Hindi pa. Pero sige, quits na tayo kapag nagawa mo ang sasabihin ko." Hinimas niya ang kaniyang baba. Baba as in chin. Hindi baba as in pututuy. "Ano?" Ano kaya ang ipapagawa niya sa akin? "Three minutes kiss..." Nalaglag ang panga ko. Kiss? Three minutes? "A-Ano?!" "Narinig mo ako, Almira." "Fourth naman!" "Kung hindi mo kaya, ayos lang. Pero mananatili kang taga-cheer ko sa bawat laro." "Pag-iisipan ko," sabi ko. Gusto ko nang makabalik sa dati na bahay at school lang ako. Hindi na ako nakakapanood ng Kdrama kada hapon kakasama ko sa kaniya, kaya sige pag-iisipan ko. Total kiss lang naman iyon. Siya din naman ang first kiss ko. Hindi naman s*x ang hinihiling niya sa akin. Ayos lang. "Okay. See you tomorrow!" Kinindatan pa niya ako, bago niya sinara ang pintuan ng sasakyan. Hanggang sa pagtulog, nasa isip ko na ang nangyari sa buong maghapon. Pati iyong paghalik sa akin ni Fourth. Unconsciously, dinilaan ko ang aking labi pero agad din akong napangiwi. Ano'ng nangyayari sa akin? Pati iyong kondisyon niya para makawala ako sa pagiging alipin niya, binabagabag din ako. Mag-uumaga na ako nakatulog. Mabuti at maaga pa din naman akong gumising. Pumasok ako sa school na baon ang sagot sa sinabi ni Fourth kahapon, kaso nga lang hindi siya pumasok. "Absent siya ngayon," sabi ng mga kaibigan niya. Excited pa naman akong pumasok tapos hindi naman pala papasok ang lalakeng iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD