Aegia Haven Pagpasok namin ay para kaming nalunod sa kakaibang mundo. Malinis, organisado, at walang bahid ng kaguluhan na inaasahan mong makikita sa isang ilegal na lugar na ito. Ang sahig ay naka-non-slip coating, ang mga pader ay gawa sa reinforced steel at may naka-install na mga exhaust vent sa bawat sulok na siyang nagku-control sa sirkulasyon ng hangin. Sa kaliwang bahagi ay may mahahabang stainless steel tables na punô ng mga beakers, tubes, weighing scales, at maliliit na burner. May mga lalaking naka-white jumpsuit at face masks na nakatuon sa paghahalo ng puting pulbos sa mga glass bowls, habang ang iba ay nag-iinspect ng mga finished product sa ilalim ng UV light. "This is Sector 09—the most trusted laboratory among all the facilities I run," ani Kennedy habang pinagmamasdan