Aegia Haven Lumipas ang mahabang oras na nananatili akong gising at nakikiramdam sa paligid. Si Silver ay humihilik na sa batok ko, nakayakap sa baywang ko at nakadantay ang isang hita sa mga binti ko. Hinayaan ko na lang siya kaysa magising siya. Wala naman talaga kaming maayos na magiging pwesto dito dahil masikip. Limang tao kaming nakahiga dito sa sahig habang mistulang hari si Kennedy sa kama niya. Malaki ang kama niya—halos sakupin itong buong selda. Ang mga paa namin ay nasa ilalim nito. May isang electricfan pang nakatutok sa kanya na nasa dulo ng kama, sa paanang bahagi. May manipis na banig lang kaming sapin. Wala rin kaming unan ni Silver, tanging tinuping mga tuwalya lang ang gamit namin sa ulo. Habang ang tatlong bugok ay kumportableng nakahiga sa malalaking unan nila. "