Sobra ang aking kaba ng pinagpaalam ako ni Frosto kina lolo at lola. Hiyang hiya ako ng mga oras na iyon pero hindi na umangal si lola. Si lolo naman ay kinausap ng masinsinan si Frosto. Nagtagal nga sila sa labas ng bahay kaya medyo kinabahan ako. Ngayon, ang araw na kami ay aalis. Lumingon ako kay lola at kumaway. "Bye lolo! Bye lola!" "Pasalubong Sol ha! Iyong two peach na kulay orange!" sigaw ni lola pabalik sa akin dahil ako ay nasa burol na papuntang kalsada. Ngumisi naman si Frosto at umiling. Kanina, bago kami umalis ay nag usap na naman si lolo at Frosto. Si lola naman ay dalawang damit lang ang pinadala sakin at ang liit ng bag na pinadala. Wala naman kasi akong maganda talaga na damit. Di bale, maglalaba nalang ako doon ng maya maya para may maisusuot. Mas nangingibaba

