Nanginginig ang kalamnan ko ng makauwi. Kahit na nakauwi kami ay maraming tao sa bahay dahil sa pag iimbestiga. Hanggang ngayon ay patuloy ang paghuli kay Genevive na nakatakbo. "L-Lola... Tubig po." alok ko kay lola at binigay sa kanya ang tubig. Agad namang umalalay sa kanya si Frosto. "La, sasamahan po kayo ng katulong sa inyong kwarto. Huwag na po kayong mag isip at ako nang bahala. Wala pong masasaktan." malumanay ang boses ni Frosto na sabi kay lola. Kinagat ko ang labi at pinipigilan ang maiyak. Sa totoo lang nanginginig ang kalamnan ko. "Hija Sol." nilingon pa ako ni lola. "Ayos kalang?" "Lola ayos lang ako. Mag uusap lang kami ni Frosto. Kami nang bahala." Parang ayaw pang umalis ni lola ngunit sa huli ay nagpaubaya siya. Agad akong niyakap ni Frosto ng mahigpit. Dito

