Hinawakan ko ang dahon na idinikit ni lola sa aking tuhod. Napangiwi ako dahil sa sakit sa tuwing hinahawakan ko iyon. Namamaga iyon ng konti. Kahit kailan talaga ay napaka pariwara ko gumalaw. Huminga ng malalim si lola at hinarap ako. Nasa kusina kami at kakatapos lang kumain. Sunday ngayon at bukas may klase na kami. Last week na namin kaya alam ko na hectic week na naman namin. "Kayo ba ni Frosto ay may problema?" nakataas ang isang kilay niya tila ba alam niya ang sitwasyon namin ngayon ni Frosto. Naisip ko na ang dami na naming napagdaanan. Nandito na ako sa punto na akala ko noon ay napaka imposible. Na akala ko noon ay hanggang panaginip nalang. At narating ko ang lahat na ito na mapag hanggang sa ngayon ay kasama ko siya. Siya lang ang lalaking nag effort ng ganito para sa

