Kiss Hindi ‘raw tatantanan ni Frosto ang labi ko kung kami na? Paano kaya kung kami na? Ano iyong feeling ng hinahalikan? Kinagat ko ang labi habang nakatingin sa aking repleksyon sa salamin ko na maliit. Namumula ako ng husto sa aking iniisip. Naman kasi. Si Frosto ay sadya namang makisig ang pangangatawan at napaka guwapo. Siya na talaga yata ang nakita ko na napakagwapong lalaki. “Sol! Anong oras ka papasok sa eskwelahan?” tanong ni lola. Sa hapon ako papasok lalo na at medyo kulang pa kami sa tulog dahil sa pagtinda kagabi. “Mga alas dose la. Lulutuan ko lang kayo ni lolo bago ako aalis." Nilapag ni lola ang mga nilabhan niya. Nakita ko na sinampay niya sa likuran ng bahay kubo namin ang mga iyon kung nasaan ang mga gulayan ni lolo. "Sol!" "Po?" nilapag ko ang kahoy ng

