Labangan Masaya ang puso ko dahil doon. Sinusundo ni Frosto sa skwelahan tuwing hapon. Minsan, sinasama na namin sila Ating at Bandok sa tuwing madadaanan namin sa daan. Kahit pala sa pisikal na anyo ng isang tao ay hindi mo doon makikita kung ano siya talaga. Si Frotos, aakalain mo talagang masamang tao. Ngunit hindi naman pala. Kung tatanungin ako kung sino ang pinaka guwapong lalaking nakita at nakilala ko ay si Frotos na talaga iyon. Kahit matanda siya ng ilang taon sakin ay nagagwapuhan ako sa kanya. Nasa 28 years old na yata siya sa pagkakatanda ko. "Sol! Natapos mo na ba yang inutos ko sayo hija?" si lola habang kakatapos lang nang pagluto niya nang bibingka at iba pang kakaning ibebenta namin. "Opo. Nahugasan ko na po itong cooler lola. Lalagyan ko na lang to mamaya ng

