Umiwas Katulad ng normal na mag aaral ay maayos naman ang aking araw puwera nalang sa kumosyon kanina ni Jenessa. Kung hindi niya binuhusan ang paa ng lalaki at hinagis sa banda ko ang upuan baka hindi ko iyon makukuha sa lalaking kaklase na walang balak naman na ibigay sakin. Himala nga na ang akala kong basang upuan ay hindi pala basa. Ang paa ng lalaking kaklase ko ang basa! Alas nang hapon natapos ang aming unang araw sa klase. Masaya ako dahil may dala akong dalawang libo. Naisipan kong bumili ng bigas at ulam namin sa daan mamaya. May mga kasabayan ako sa paglakad. Hindi man nila ako kinakausap dahil nga, hindi naman talaga ako pansinin. Nakasunod lang ako sa kanila at tinititigan ang mga ginagawa nila. Malayong malayo ang ganda ng kanilang bag at suot kaysa sakin. Naiingg

