Chapter 31

1153 Words

Nangibang bansa na si Jenessa. Maraming nag bago sa lumipas na isang linggo. Hindi ako kailanman masasanay sa buhay na meron ako ngayon sa mansyon ng mga Septimo. Abot tanaw ko lang ang lupain ng mga mangyan ngunit hanggang doon nalang. Bawal akong pumunta doon. Bawal rin akong makipag usap sa kanila. Si lola Donita ay doon muna pansamantala kina lola para may kasama siya. Labis ang lungkot at iyak ni lola sa aking desisyon. Wala rin akong cellphone. Iniwan ko iyon kay lola dahil bawal rin iyon dito. Ang maganda lang ay pumapasok parin ako sa huling linggo ng eskwela. Ngayon ang huling araw. Tapos narin ako sa mga projects at papirma sa mga teachers namin. Excited na ako mag kolehiyo. "Makikilala mo na ang mapapangasawa mo Soledad sa iilang araw. Mabuti na rin at graduate kana."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD