Bumisita kami sa puntod ng namatay na anak ni Frosto. Nakaluhod siya sa harapan ng puntod ng anak. Tahimik ako sa gilid niya. Hinahayaan siyang igugol ang oras para sa anak na namayapa. Hindi ko talaga lubos maisip na magagawa ito ni Genevive sa sarili nilang anak. Sana nga ay madakip na siya. Tumayos si Frosto at hinawakan ako sa kamay. Tiningala ko siya. "Ayos ka lang ba?" mahinang tanong ko. Tatlong araw na ang nakalipas ng gumaling ako. "Yeah." Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya. Pero alam ko na malungkot siya. Nakita ko noon ang anak niyang babae na kamukha niya. Ang istorya raw noon ay mas gusto ni Genevive si Faustino , at siya ang boyfriend niya. Pinaako niya noon kay Faustino ang pinagbubuntis niya. Nagsinungaling siya na si Faustino ang ama dahil sa selos ni

