Titig
Namamangha ako sa loob ng kanyang sasakyan. Ang malaki niyang sasakyan ay nagkasya sa likod ang mga paninda ni lola Thelma.
Nabigla ako kanina nang anyayahan niya akong sumakay sa kanyang sasakyan pero hindi na ako tumanggi lalo na't iisa naman ang aming patutunguhan. Syempre, tahimik akong naging excited para sa mga kapwa ko mangyan! Ngayon lang nangyari sa amin ito!
Kinagat ko ang labi at pasimpleng sinulyapan ang kanyang katawan.
Pakiramdam ko ang mahal mahal ng kanyang t shirt at pantalon! Ang kanyang kamay na nasa manibela ay mabalahibo at maugat! May isang malaking singsing pa sa kanyang hintuturo.
Nang makita kong bumaling siya sakin ay umiwas ako at tinutok ang tingin sa daan.
Medyo malapit na kami sa palayan. Gusto ko nang makarating para matapos nato ang kaba ko! Namamawis na talaga 'tong kili kili ko!
Pakiramdam ko tuloy kumalat ang masama kong amoy dito sa loob ng kotse niya! Ang lamig pa at hindi ako sanay! Parang masusuka ako!
"Ilang taon na kayo diyan sa baryo niyo?" Napaigtad ako sa kanyang tanong at hindi ako makatingin sa kanya.
Para siyang, mapanganib kasi na tao dahil sa laki niya. Parang ang tingin niya ay nakaka ano....basta.
"M-Mula pa nang bata ako diyan na kami naninirahan po."
Tumango tango siya at tila napaisip.
"So, You were in the last year of high school. Who supports you?" tanong niya sakin. Mabuti nalang, naiintindihan ko ang lengguwahe niya dahil masipag ako mag aral.
"Hm..si lola at lolo. Nagtatrabaho si lolo sa palayan ng mga Septimo. Si lola naman...naglalabada minsan kina lola Donita.."
Pababa na ang sasakyan niya sa gilid ng palayan patungo sa aming baryo. Nakita kong, walang tao sa palayan.
"How about your mother?"
"Hmm...n-nasa langit na siya 'e."
Umawang ang labi niya nang nasa malaking mangga na kami at natatanaw ko na ang aming baryo.
"I'm sorry about my question.."
"A-Ayos lang...t-tsaka salamat sa mga ipapamigay mong gulay at prutas. Magiging masaya ang kapwa ko mangyan dahil dito.." ngumisi ako at tinitigan siya.
Nagulat ako dahil nakaawang ang labi niya nang tumingin sa akin. Tila ba, namamangha sa kung ano. Kalaunan ay umiwas din siya at pumikit at kinabahan ako ng marinig ang mahina niyang pagmumura..
"Goodness....get a hold of your self Frosto. She's too young...dammit.."
Luh...kinakausap niya sarili niya!
Hindi na siya nagsalita ng huminto na ang kanyang sasakyan sa gitna ng baryo at agad namang nagsilapitan ang mga namamangha sa kanyang sasakyan.
Lumabas siya ng sasakyan kaya lumabas narin ako. Mas lalo akong natiklop nang lumapit siya sakin at mas na kumpara kung gaano siya kataas!
Grabe! Hindi ako umabot sa kanyang balikat! Ang laking lalaki niya rin at anh bango! Crush na crush ko na talaga siya.
Pero...biglang may pumitik sa aking mukha at doon ko natanto na kanina niya pa ako kinakausap!
"A-Ah! Ano po iyon ulit?" kumamot ako sa aking buhok. Grabe, ang lagkit ng buhok ko!
"Hmmm...I said can you help me with this?" sabay tingin niya sa mga maraming gulay at prutas na nasa likurang bahagi nang kanyang sasakyan.
"Oo naman!"
Nagsimula nang magkumpulan ang mga kapwa ko mangyan pero hindi na lubusang lumapit pa sa sasakyan dahil narin siguro sa pagkamangha sa sasakyan o kay Frotos?
Nang makababa ay nakita ko si Frosto na nag hahakot na nang gulay at nilapag sa mesang kahoy sa ilalim lamang ng malaking kahoy ng nara.
Nagbulong bulongan ang mga kapitbahay ko. Ngumisi ako sa kanila at kumaway! Nakita ko pa ang nanay ni Ating.
Haharap na sana ako kay Frotos nang nabangga ako sa isang matigas na bagay! Putik talaga!
Kung hindi lang ako nahawakan ni Frotos baka nabuwal na ako! Napahawak ako sa aking noo.
"Are you okay?" tanong niya. Sa kanya pala ako nabunggo! Ang tigas niya!
Sunod sunod akong tumango sa kanya.
"O-Oo.."
Tumango siya at tila tinitimbang ang aking reaksyon. Ngumisi ako sa kanga na ikinaawang ng kanyang labi.
Sa huli, tinikom ko rin ang labi dahil alam kong kulay yellow pa naman ‘tong ngipin ko.
"Mga kasama!" sigaw ko sa lahat nang dumami sila. Agad lumapit ang nanay ni Ating.
"S-Sol! Siya yung kailan di'ba? Magkasama kayo? Bakit?!" niyogyog niya pa ako.
"T-Teka nanay Ai. Wag niyo po akong yugyogin. Sumakit na kanina ulo ko sa sasakyan po.."
"Bakit nga kayo magkasama?!"
"Ipapamigay niya po ito sa atin." sabay pakita ko sa mga gulay. Lumapit agad si Frotos sa amin na pawisan na.
"Sol? Hay nakung bata ka! Andito kana pala..." hindi alam ni lola ang sasabihin lalo na nang makita ang kasama ko.
"Hmm.." hinila ko si lola papuntang gilid ko. "Lola, si Frotos ho.."
"Frosto...Sol.." pagtatama sakin ni Frosto pala. Nasanay na talaga ko sa kendi na iyon.
Pumikit ako. "Ah, Frosto pala. Bumili siya kanina sa tindahan ni lola Thelma at gusto niyang ipamigay sa atin ang mga ito mga kasama! Lola, may ulam na tayo mamaya!" tumili ako at niyakap si lola na tumawa rin kasabay ko.
Nang makahuma ako ay bumaling ako kay Frosto na seryoso nang nakatingin sa akin. Ewan ko ba...lagi nalang siyang natutulala sa akin.
"Salamat talaga Ponsyo-"
"Lola, Frosto po!" saway ko kay lola.
"Ay, Frosto hijo. May busilak kang kalooban! Naku, salamat! Ang dami! Halika dito Ai! Tulungan natin si sir Frosto na ipamigay ito sa kasamahan natin!"
"O sige, mamang!"
Dito sa aming baryo, hindi man kami gaano karami ay ginagalang nila rito kami , lalo na si Lolo at Lola Tata. Dahil nga sila lola raw dito ang pinakamatagal na naninirahan at ang kadalasan nilang tawag kay lolo ay papang, kay lola naman ay mamang.
Umalis ako doon habang namimigay sila lola. Si Lolo raw umalis at nagpakain ng karabaw.
Bumalik ako at nakitang napapalibutan na nang mga kalalakihan si Frotos. May lambanog sa mesa at adobong manok na kanilang pulutan. Nag iinuman sila!
Mapungay naman ang mga mata niyang bumaling sa akin. Ngumiti ako at nilagay sa mesa ang aking paboritong lutuin.
Ang adobong kangkong na may bagoong.
"Oh Sol. Maupo ka..." aniya ng kasing edad ni lolo na taga rito.
Umiling ako. "Ihahatid ko lang po 'to at may gagawin pa ako. Uhm...kuya Frosto b-baka gabihin ka at m-malalasing ka..."
Nag sang ayon naman ang lahat sa sinabi ko.
"Oo nga pala hijo...ito last nalang ito. Balik ka dito at iihaw tayo ng kambing..."
Ngumiti si Frosto at tumango. "O sige ho. Maraming salamat." magalang niyang paalam. Sa huli, natanto ko na baka hindi niya matikman ang aking luto kaya kinuha ko ito sa mesa at sinabayan siya paglakad. Kahit siya tila, inaabangan rin ako.
"Uhm..salamat kuya Frosto sa mga gulay at pagkain. Tsaka napainom kapa , minsan lang kasi mag ihaw ang mga taga rito kapag may dayo at..." binigay ko sa kanya ang adobong kangkong na nasa maayos na lalagyan.
"M-Madalian lang ang pagluto ko niyan kasi hindi pa nakasibak si lolo ng kahoy pero masarap yan.."
Nilingon niya ang aming bahay at tila may iniisip na malalim.
"Salamat...I'll be back tomorrow..may titingnan lang."
Ngayong mas matagal ko siyang tingnan ay mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko. Kahit sa baryo namin, usap usapan siya. Hindi lang siya guwapo, kasi marunong siyang makibagay.
Napatalon ako ng kinuha niya sa aking kamay ang niluto ko. Ang gilid ng labi niya ay umangat habang titig na titig sakin.
"Hatid na k-kita.."
"No...pumasok kana sa inyo."
Parang may paru paro sa aking sikmura ng sabihin niya iyon.
"Alam ko ang daan. Malapit lang naman.." dagdag niya.
Umihip ang hangin at natangay ang iilang buhok ko kaya hinawakan ko iyon. Nakita kong napalunok siya.
"S-Salamat sa kamoteng kahoy...hmm..gagawa ako bukas ng kamote cake para sayo.."
Tumango siya at kinagat ang labi.
"Hmm..mauna na ako."tinuro ko ang aming bahay. Tumango siya at nilagay ang dalawang kamay sa kanyang bulsa. Nanatili siyang nakatayo doon at tinaas ang dalawang kilay.
"Go on...I'll watch you.."
Kinabahan ako kaya agad akong tumalikod at bumalik sa bahay. Nilingon ko siya hanggang sa malagpasan ko ang nag iinuman ay nandoon parin siya.