Walang masyadong tao ng makapasok kami sa lugawan. Lumapit agad ako sa mesa na paborito naming puwestuhan. "Ganon' parin iyong sakin Frosto.” sabi ko at umupo sa aming puwesto. Pinagmasdan ko siyang nag order doon sa cashier ng lugawan. Kilalang kilala na siya dito kahit na iilang beses palang kaming nakakain dito. Pinagmamasdan ko siya habang kinakausap ang tindera ay hindi talaga ako makapaniwala. Akin nga talaga ang lalaking ito. Wala na akong nakita na kasing guwapo niya, bukod sa kamukha niyang kakambal na si Faustino. Basta.. kakaiba ang dating nila. Pero...iyong mga naririnig ko sa eskwelahan, sa mga napapanood ko sa pelikula...naghihiwalay ang mga magkasintahan. Sana naman hindi mangyari sa amin iyon. Hindi ko alam ang gagawin kung sakali. Nabalik ang huwesyo ko ng maka

