Chapter 20

1534 Words

Masaya ang mga alaala ko sa Maynila. Marami kaming nabili ni Frosto para kina lolo at lola. Halos dagsain ako araw araw ng mga kapwa ko mangyan para tanungin ako kung ano ang mukha ng lugar na iyon at kung masaya ba ako doon. "Maraming guwapo siguro doon hano?" tanong ng nanay ni Ating. Binigay ko kay Ating ang tsinelas na binili ni Frosto sa Maynila. Kinuha iyon ni Ating bago sinuot at tumakbo. Ngumiti ako sa nanay ni Ating. "Kung guwapo po ang pag uusapan ay marami ho." "Pero Sol!" Niyuyog ni Aling Tina ang balikat ko. "Ang guwapooo...guwapo..guwapo noong si Presko! Hay! Grabe! Ang katawan..napaka maskulado pa! Kahit ilang taon na iyon kumpara sayo ay huwag mo na pakawalan!" Halos mamula ako sa sinabi ng nanay ni Ating. Ang pagkakaalam ko kasi ay 28 na si Frosto. Basta. Masaya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD