Isang tingin ko lang ay agad na unti unting huminahon si Frosto. Padarag niyang pinakawalan ang lalaking ka awa awa at bahagya pang itinulak. Nanghihina akong bumuntong hininga at tumalikod. Ayokong makita ng mga kaibigan ko ang pag aaway namin. Away. Ang salitang ayaw kong mangyari sa aming dalawa ngunit hindi maiwasan ang ganitong bagay. Sa magdalawang taon ko na kilala si Frosto, sa mga karanasan ko, alam ko na agad na mararanasan namin ang hindi pagkakaintindihan at pag aaway. Tulad ngayon... Ang sama talaga ng loob ko sa nakita ko kanina. Dahil sa bugso ng aking damdamin , habang humahakbang ako sa hindi ko alam kung saan ako patungo. May mga iilang tao na nakatingin sa akin kaya nahihiya akong yumuko. Isang mariin na paghawak sa aking siko napapikit na ako agad. Amoy ni F

