Hindi ko alam kung gaano ako katagal nanatili pa sa dalampasigan bago ko maisipan na bumalik na sa loob ng bahay. Pagharap ko para maglakad pabalik. Hindi ko alam kung tama ang nakita ko na mula sa kuwarto sa terrace kung saan ako natutulog. May isang lalake na nakatayo at tila kanina pa siya duon na para bang ako ang pingmamasdan. Bigla din siya tumalikod ng magtama ang mga mata namin.
"Vince..."
Bigla ko nabigkas.
Pagdating ko sa loob ng kuwarto wala ng tao sa loob. Nahiga ako sa kama at napatitig ako sa kisame parang malungkot na mukha ni vince ang nakikita ko sa aking balintataw.
"Vince sino kaba?"
Hindi ko napansin ang pagbukas ng pintuan mula sa kuwarto. Mukha ni Vince ang nasa harapan ko ngayon habang nakahiga ako. Kaya napaupo ako sa kama mula sa aking pagkakahiga.
"Sumabay kana sa amin para kumain dahil aalis tayo!"
Hindi siya lumalabas ng kuwarto hanggat hindi ako tumatayo. Kaya tumayo na ako. Nasa likod niya ako habang naglalakad kami. Pagdating sa ibaba nakita ko ang lalaki na nag-aayos sa malaking lamesa ng mga pagkain.
Umupo na ako sa Isang bakante na upuan. Ganoon din si Vince at pati na din ang kasama namin na lalake.
"John natawagan mo naba ang maghahatid sa atin sa kabilang Isla?"
Narinig ko na tinawag niya sa pangalan na John ang lalaki na kasabay na namin kumakain ngayon.
"Oo Vince mga tatlong oras nandito na iyon"
Sagot naman ni John kay Vince.
"Sierra huwag kana magdala ng mga damit kasi nandyan ang maleta mo"
Narinig ko na sinabi sa akin ni John. Hindi na lang ako sumagot. Habang kumakain kaming tatlo nakikinig lang ako sa pinag-uusapan ni Vince at John narinig ko din na may negosyo pala sa Canada si Vince. Napatingin ako kay Vince na nakatingin na din pala sa akin. Bigla ko na iniwas ang tingin ko sa kanya.
Wala pang tatlong oras dumating din ang Speed boat na maghahatid sa amin sa kabilang isla. Habang nasa biyahe ang dami kong iniisip hanggang kailan ako mananatili dito kasama si Vince.
Habang nasa ganoon ako na pag-iisip naramdaman ko na may nag-lagay ng Isang balabal sa balikat ko. Tinignan ko ito hindi pala siya Isang balabal kundi isang jacket.
Napatingin ako sa nag abala na maglagay sa akin ng jacket bigla din niya iniwas ang paningin niya sa akin.
"Isuot mo iyan lalamigin ka"
Sabi sa akin ni Vince na hindi ko alam kung nag-aalala ba siya dahil para bang pilit niyang itinatago ang totoong siya.
"Salamat"
Sagot ko na lang sa kanya. At sinuot ko ang jacket na binigay niya naamoy ko ang pabango na gamit niya. Muli ako napatingin sa kanya pero muli na naman niya iniwas ang kanyang paningin sa akin.
Pagdating sa kabilang Isla aalalayan sana ako ni John pero mas mabilis si Vince. Dahil lumundag agad siya sa may mababaw na tubig at hinawakan ako ng dalawang kamay niya sa bewang ko at walang kahirap hirap niya ako binuhat pababa sa speed boat.
Pinag-tulungan nilang buhatin dalawa ni john ang mga gamit namin at sumunod lang ako sa kanila. Paminsan minsan lumilingon sa akin si Vince dahil nasa likuran lang nila akong dalawa ni john.
Pagdating sa Isla may tila Isang pamilya ang Sumalubong sa amin.
"Ohh Vince bakit ngayon ka lang napunta dito?"
Narinig ko na tanong sa kanya ng Isang may edad na babae. Nasa tabi niya din ang Isang may edad na lalaki. Meron din dalawang babae. Ang isa ay hula ko nasa dose anyos at ang isa naman ay hindi nalalayo ang edad sa akin.
"Ngayon lang po kasi hiningi ng katawan ko 'Inang' ang mag-pahinga"
Narinig ko na sagot ni Vince. Meron din ako nakita na Isang lalake na nasa likuran ng mag pamilya na nasa pintuan ng bahay. Nakatingin lang siya sa amin Magkasing katawan lang sila ni Vince pati sa tangkad. Likas na maputi si Vince samantalang ang lalaki na nakatayo sa pintuan ay moreno.
"Ohh siya tara na at ng makakain na kayo"
"Kumain na po kami Inang. galing kami sa kabilang Isla"
"Ah ganoon ba o siya sige tara na sa loob at nang makapag pahinga na kayo"
Naglakad na kami papunta sa Isang simple na bahay pero maganda at malaki na nasa harapan namin. Sumabay naman sa akin ang babae na nakita ko kanina na tingin ko ay kaedad ko lang.
"Hi ako si Lena Girlfriend ka ni Vince?"
Nagulat ako sa bigla niya na pagtatanong kaya agad ako napailing.
"Hindi"
Kasabay ng pag-iling ko sa sagot ko sa kanya.
"Ganoon ba? Akala ko pa naman may Girlfriend na iyang pihikan na iyan!"
Narinig ko na sinabi ni Lena.
"Ano nga pala pangalan mo?"
Pagtatanong ulit niya sa akin.
"Sierra"
Matipid na sagot ko sa kanya. Nauna sila Vince, John at ang iba pa na pumasok sa Isang simple na pintuan. Dahil nasa hulihan kami ni Lena huli kaming pumasok sa loob ng bahay. Napansin ko pa ang Isang lalaki na kanina pa nakatayo sa gilid ng pintuan na tila ba matiim na napatingin pa sa akin.
"Siya si Kuya Allen ko. Pasensya kana ganyan lang talaga siya!"
Pabulong na sambit sa akin ni Lena. At hindi ko din siya nainitindihan sa sinabi niyang "Ganyan talaga siya" na ang tinutukoy niya ay ang Kuya Allen niya.
Pagdating sa loob Pinaupo ako ni Lena sa Isang mahabang banko na gawa sa kawayan. Umupo siya sa tabi ko pati ang batang babae na kanina ko pa napapansin ang pagtingin sa akin habang nakangiti.
"Hi ate ako po si Lora"
Nakangiti na sambit sa akin ng batang babae. Nginitian ko din siya.
"Ako naman si Sierra"
Nakangiti ko naman na sagot din sa kanya.
"Ate sierra Girlfriend ka po ba ni Kuya Vince?"
Nagulat na naman ako sa ganoon na tanong ulit sa akin.
"Hindi Lora"
Matipid na sagot ko sa batang babae na nasa tabi ko.
"Lena Itabi ninyo si Sierra sa kuwarto ninyo ah"
Narinig ko na sinabi ni "Inang'" na Nanay siguro nila. Hinanap ng mata ko si Vince. Bigla din naman siya lumabas sa Isang pintuan kaya bigla nagtama ang mata namin.
"Sa kuwarto ko po siya matutulog Inang'"
Narinig ko na sinabi niya. Kaya labis ako nagulat at nakipag-titigan pa ako sa kanya. pero sa pagkakataon na ito hindi na siya umiwas ng tingin sa akin.
"Ganoon ba Vince ikaw Ang bahala"
Sagot lang ni Inang. Naramdaman ko din na biglang tinabig patulak ng balikat ni Lena ang balikat ko dahil katabi ko lang siya.
"Hmmm ikaw a' sabi mo hindi mo boyfriend si Vince?"
Napatingin ako kay Lena na may panunukso na sa kanyang mga mata..