Dalampasigan

1078 Words
Pagmulat ko muli ng aking mata nandito pa din ako sa terrace kung saan nakatulog pala ako. Pero nagulat ako dahil may isang balabal na nakapatong sa balikat ko. Napaisip ako ibig sabihin may tao kanina dito habang tulog ako? Narinig ko na bumukas ang pintuan mula sa kuwarto hinintay ko kung sino ang papasok mula dito. Pero hindi ako lumilingon nakikiramdam lang ako. "Naistorbo ba kita?" Narinig ko na boses. alam ko na hindi iyon boses ng lalaki na kinaiinisan ko. Pero nanatili ako sa kinauupuan ko at hindi pa din ako lumingon. "Pinatatanong ni Vince kung gusto mo daw ba lumabas para makapaglakad lakad ka malapit sa dalampasigan" Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pangalan na binanggit niya. Vince pala ang pangalan ng lalaki na iyon. Tumayo ako sa kinauupuan ko bilang pagsang ayon sa sinabi niya. Dahil kanina ko pa talaga gusto lapitan ang natatanaw ng mata ko mula dito sa kinaroroonan ko. 'Sige" Matipid ko na sagot sa kanya. Tumalikod siya palabas sa kuwarto at sinundan ko lang siya. Paglabas ko ng kuwarto. Malaking bahay pala ang aking kinaroroonan dahil ilang kuwarto ang aming nadaanan bago namin marating ang isang elevator kung saan dadalhin kami pababa. Paghinto ng elevator tumambad agad sa akin ang magandang tanawin na nasisilayan ko lang mula sa taas kanina. Sinundan ko ulit ang lalaki na kasama ko. Nakita ko na siya dahil siya yung lalaki na ilang beses nagdala ng pagkain sa akin na hindi ko naman kinain. Pagkalabas namin ng malaking pintuan iniwanan na niya ako. Ibig sabihin malaya ako makakalakad dito sa labas na ako lang mag-isa. Habang naglalakad nilibot ko ang aking paningin tanging isang malaking bahay lang na ito ang tanging nakatayo sa lugar na ito. wala din katao tao.. Wala din ako makita na sasakyan o kaya Sasakyan na puwede gamitin para makatawid sa kabilang isla na nakikita ko mula dito sa kinauupuan ko ngayon sa puting buhanginan. Nasa balikat ko pa din ang balabal na nakita ko pag gising ko. buti na lang pala dinala ko ito dahi kahit may sikat ng araw e sobrang lamig pa din. Alam na kaya nila mommy na wala ako sa Canada? Tanong ko sa isip ko " Hindi ka paba nagugutom?' Bigla ako nagulat sa boses na narinig ko. paglingon ko sa may ari ng boses nakaupo na din pala siya sa buhanginan na hindi naman kalayuan sa akin. Hindi ko man lang napansin ang kanyang pagdating. Hindi ako sumagot tumigin muli ako sa malayo. Nakita ko na may kinuha siya na mga malilit na bato at hinahagis niya ito sa dagat. "Sierra Buenave Casimiro ang buo mo na pangalan diba??" Muli ulit siya na nagsalita. Pero dahil sa sinabi niya ang buong pangalan ko ay muli ako napalingon sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin dahi diretso lang ang tingin niya habang patuloy na kumukuha siya ng mga maliliit na bato sa buhanginan at patuloy na binabato sa dagat na nasa aming harapan. "Sino kaba?" Tanging salita na nasambit ko sa kanya. dahil iyon ang gusto ko malaman at kung bakit nandito ako at bakit niya nagawa sa akin ang labis na kinagagalit ko sa kanya ngayon. Pero nanatili ako na mahinahon dahil heto ang itinuro sa akin ng aking mommy. Kung meron man daw ako gusto na malaman na hindi ko daw agad makuha ang sagot manatili lang daw ako na maging mahinahon at matuto na maghintay hanggang sa makuha ko ang sagot. "Vince Cordell" Iyon lang ang isinagot niya sa akin. Wala din ako kilala na Vince Cordell. Kahit ang Cordell na Apelyido ay hindi di pamilyar sa akin. hindi din niya ako tinignan dahi nanatili pa din siya na nakatingin sa malayo. "Bakit ako nandito Vince?" Muli kong tanong sa kanya. Tinignan niya ako saglit at muli ulit umiwas ng tingin sa akin. "Sa ngayon ang lahat ng tanong mo ay hindi ko masasagot Sierra!" Sagot lang niya sa akin. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha kahit kalahati lang ang nakikita ko dahil nakaharap pa din siya sa dagat. Malungkot ang ekspresyon na nababasa ko sa kanyang mukha. Para bang may nakatago na kalungkutan at kinikimkim na galit sa kanyang puso. "Vince hindi ko alam ang dahilan mo kung bakit nandito ako. At kung bakit nagawa mo sa akin iyon. Pero ang lahat ay may kapatawaran. kaya puwede ko iyon ibigay sayo kung hihilingin mo at kung ibabalik mo ako sa amin" Pero dahil sa nasabi ko nakita ko ang pagdampot niya ng maramimg mga bato mula sa buhanginan at sabay sabay na hinagis sa dagat. "Hindi ko hihingin ang kapatawaran mo sierra. Ang gusto ko gawin mo ay kamuhian mo ako!!" Matitigas ang bawat salita niya habang sinasabi niya sa akin ang mga iyon. Bakit ko iyon kailangan gawin sayo vince?" Sa ngayon namumuhi talaga ako sa ginawa mo sa akin. pero nakikita ko sa iyo na hindi ka masamang tao!" Ang lahat ng sinasabi ko sa kanya ngayon ay totoo sa loob ko. dahil nakikita ko talaga sa kanya na hindi naman siya masamang tao. Para bang may pilit siyang itinatago sa loob ng puso niya. At iyon ang aalamin ko habang nandito ako. Mahabang katahimikan na ang namagitan sa amin. paminsan minsan napapatingin ako sa kanya, ang lalim pa din ng iniisip niya. Nakita ko na tumayo na din siya pero bago siya tumalikod nagsalita muna siya. "Dito ka lang ba muna? Puwede ka lumabas ng kuwarto mo Pag gusto mo pumunta dito. Pumasok kana din agad dahil mamaya lang sobrang lamig na dito" Tumalikod na siya para pumasok sa loob ng bahay. Habang papalayo siya sa akin sinundan ko siya ng tingin. "Vince sino kaba? bakit sa kabila ng galit na nararamdaman ko dahil sa ginawa mo sa akin. Nandito pa din ang pang unawa sa puso ko kahit na hindi ko alam ang dahilan kung bakit sinasabi nito na kailangan kitang unawain at kilalanin." Muli kong ibinalik ang paningin ko sa dagat. "Anak sierra ang lahat ng nangyayari sa atin ay may dahilan. kaya hindi dapat pairalin ang galit sa ating mga puso. Nagkataon o sadya na naging daan lang sila para matuto tayo kung paano malalagpasan ang mga pagsubok sa atin. Minsan anak ang mga pangit na nangyayari sa atin ay nagiging daan din para mas makilala sila o kilalanin pa natin sila" Mga salita ni mommy sa akin ng mga panahon na nakita niya ang labis na galit sa akin dahil sa nangyari kay kuya lambert...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD