Galit at Pag-ibig

1136 Words
Pagmulat ko ng aking mga mata umaasa ako na sana ay Isang panaginip lang ang lahat. Na sana ay Isang bangungot lang ang nangyari sa akin. Pero nang aking masilayan ng aking mga mata kung nasaan ako. Muli ako napaiyak. Totoo ang nangyari hindi isang panaginip. Sinubukan ko i-angat ang katawan ko para mapa-upo sa kama. pero ramdam ko ang sakit sa gitnang bahagi ng dalawang hita ko. Napansin ko din na nabihisan na ako. Naka pajama at t-shirt blouse na ako. Napansin ko din sa gilid ko na nakalapag sa ibabaw ng kama na maraming pares ng t-shirt at pajama. Meron din mga pares ng bra ay panty. Pinilit ko ng tumayo para makapag banyo na. Dahil nanlalagkit na ako. Kumuha ako ng t-shirt at pajama at isang pares ng panty at bra. Tumungo na ako ng banyo. Pagpasok ko sa loob nagulat pa ako sa nakita ko dahil ang daming stock ng mga iba't-ibang mga shampoo at mga sabon patin na din Feminine wash. Nagsimula na ako maligo. habang naliligo ramdam ko pa din ang masakit na bahagi sa katawan ko kasabay ng pag-hapdi ng sikmura ko. Kahapon pa ako hindi kumakain. Pag-katapos ko maligo lumabas na ako ng banyo. muli ako tumungo sa glass door ng terrace. mula dito sa kinata-tayuan ko makikita ko ang Napaka ganda na kulay asul na Dagat. Sinubukan ko ulit buksan ang glass door. Nagulat ako kasi bukas Siya. Kaya natuwa ako Kaya nag-madali ako tumungo sa terrace. Pero nadismaya ako dahil sobrang taas pala ng kuwarto kung saan ako naroroon. Hindi biro kung tatalon ako. Timingin na lang ulit ako sa Dagat. pakiramdam ko ang sarap maupo sa puting buhanginan na iyon habang malapit sa dagat. "Kumain kana dito!!" Nagulat pa ako sa pagalit na boses mula sa aking likuran. Paglingon ko yung lalaki na bumaboy sa aking katawan. Muling nabuhay ang galit sa puso ko. Dahil naalala ko ng una ako makaramdam ng ganito na galit. Nang muntikan ng mamatay si kuya. Nakikinig ako sa usapan nila mommy at daddy kung bakit dinanas ni kuya ang ganoon na pang-yayari sa kanya. Isang baliw na pag-ibig na gusto maghiganti kay mommy at daddy. Narinig ko din ang pangalan na Annalyn at Francis na magulang daw ng babae ng dahilan kung bakit muntik ng mamatay ang juya lambert ko. "Titignan mo na lang ba ako!?!" Nagulat ulit ako sa bigla na naman niya na pagalit mag-salita. Kaya lumakad na ako palayo sa terrace pabalik naman sa loob ng kuwarto. kinuha ko sa kanya ng pagalit ang hawak niya na may pagkain At nilagpasan ko siya. Hindi talaga ganito ang ugali ko pero dahil namumuhi ako sa kanya kaya hindi ko mailabas ang natural na ugali ko ang meron ako. Nagugutom na din ako kaya hawak ko ngayon ang tray na may pagkain na hawak niya kanina. Nilapag ko ito sa mesa na nakita ko at naupo sa bankuan patalikod ko sa kanya. Hindi ko alam kung nanduon pa din siya sa likod ko habang kumakain ako. Dahil wala ako nararamdaman na kahit na anong ingay. Halos maubos ko ang lahat ng pagkain na nasa tray. Pagtayo ko habang umiinom ng tubig humarap ako para pumunta ulit sa terrace. muntik ko pa maibuga ang tubig na nasa bibig ko dahil nasa likuran ko pa pala Siya na na-natiling nakatayo mula kanina pa. "Kanina kapa diyan??!!" Pagalit na tanong ko sa kanya. Pero hindi siya sumagot nilagpasan lang niya ako at muling kinuha ang tray na nasa lamesa at muling lumabas. "Manyak na barumbado pa!!!" Pagalit na lumabas sa bibig ko. Nagulat naman ako sa salita na lumabas sa bibig ko. Kaya ko pala mag-salita ng ganoon? Napapailing na lang ako na muling bumalik sa terrace. May nakita ako na bankuan sa gilid kinuha ko ito at naupo paharap sa dagat. Pakiramdam ko inaalis pansa-mantala ng aking nasisilayan ang bigat ng nasa loob ko. "Daddy" " Mommy" Bigla ko na naman silang naisip. Dahil sa masarap na hangin na parang humahaplos sa mukha ko parang unti-unti din na hinihila ako para muling matulog.. ***Vince Cordell Pov**** Muli ako pumasok kung nasaan si Sierra. kanina ako na talaga ang nag-dala ng pagkain niya. dahil gusto ko siguraduhin na kakain na siya. dahil kahapon pa Siya hindi kumakain. hindi talaga ako umalis sa likod niya para masiguro na kakainin niya lahat ng pagkain na dinala ko. Natuwa naman ako dahil nakita ko na naubos naman niya ang lahat ng pagkain na dinala ko para sa kanya. Pag-pasok ko sa kuwarto. Wala siya sa loob. inisip ko baka nasa loob siya ng banyo. Patalikod na sana ako pabalik sa pintuan ng kuwarto ng mahagip ng mata ko ang terrace na may babae na nakaupo tila nakatulog. Lumapit ako sa kanya. sumandal ako sa isang poste ng terrace hindi kalayuan sa kanya. At pinagmasdan siya habang natutulog. ngayon ko lubos na napag-masdan ang buong mukha niya dahil na din sa liwanag na nangagaling sa sinag ng araw mula sa dagat. "Ang amo ng mukha niya. nakita ko na ang isang bahagi ng ganito na mukha. Sa kambal niya na si Savannah. ibang iba ang pagka-amo ng kanyang mukha. Pati na din sa ugali mag-kaibang mag-kaiba sila. dahil matagal ko ng kilala ang isang sierra Casimiro sa Canada pa lang. pero dahil dinadala niya ang pangalan ng Casimiro dahilan iyon para pilit ako maglagay ng pader sa pagitan namin. Dahil una ko pa lang Siya makita parang may bigla ng sumuntok sa puso ko dahil sa galit sa puso ko. "Yan ba ang Kaya mong saktan vince? Isang babae na parang walang kamuwang muwang sa mundo? isang babae na parang hindi alam ang kahulugan ng galit? Laging sinisigaw ng isip ko sa tuwing pinag-mamasdan ko Siya mula sa malayo. "Sierra kung nasa ibang pamilya lang tayo nabibilang baka wala ka dito ngayon" Bulong ng isip ko. pero parang bigla din may pagtutol sa sinabi ko. Kasi kung hindi din naman siya si Sierra Casimiro hindi din siya makikilala ng puso ko. Pilit ko inalis sa isip ko ang nagpa-pagulo sa akin na iyon. Parang bigla ko na naman narinig ang huling mga salita ni Anna na kapatid ko. Na binuwis ang buhay para kay Lambert Casimiro na kapatid ng babae na nasa harapan ko ngayon. "Kuya Vince ipangako mo sa akin. ipaghihiganti mo ako sa kanila ha? kasi k'kuya nagmahal lang naman ako e! hindi ba tama lang naman ang ginawa ko?? pero ikaw k'kuya mahal na mahal kita. Kaya ayoko danasin mo ang dinanas ko ah? h'huwag kang iibig ng Isang Casimiro kuya. kasi hindi sila marunong magmahal sa tulad natin. tulad ng ginawa ng daddy nila kay mommy diba kuya?? mahal na mahal kita Kuya.... Mga huling salita ni Anna sa akin bago ito bawian ng buhay habang nasa mga bisig ko siya..'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD