Chapter 23: Payne’s Revelation

1924 Words

“Estoy un poco confundido, Coulter (I’m a bit confused, Coulter),” pahayag ni Maria Adana. Dumating na sila sa mansion ng binata sa Forbes. Nagsalita ito sa wikang Spanish. Iyon ang gamit nila madalas kapag silang dalawa lang pero may halo rin namang English paminsan-minsan. Parang nakabaliktad na letter U na may corners ang mansion ng binata na contemporary ang istilong may tatlong palapag at rooftop. Sa likod ay isang malaking hardin na may fountain. May ilaw iyon at musika kapag gabi. Sa harap ay isa namang malapad at malaking lawn na alaga ng hardinero. May ilang punong-kahoy at mga bulaklak na nakaayos nang nakahilera kaya presko at maganda ang malaking pagmamay-ari ng binata. Sa gitna ng naka-U na mansion ay isang swimming pool. Sa pangalawang palapag ay magkatapat na balkonahe.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD