Dumiretso silang ospital na tatlo. Ipinahatid sila ng ipina-arrange nang sasakyan ni Coulter para sa kanila. Ang isang kotse naman ay maghahatid sa lalaki at ng Mexicana sa bahay nito. Ang mga bagahe nila ay dadalhin na rin ng mga ito dahil doon naman sila titira habang nasa Manila. Wala nang tirahan si Tito Richard, sabi ni Ate Claren niya dahil kinuha na ng bangko. He was totally broke! May mga utang pa raw at si Ate Claren niya ang magbabayad. Siguro sa tulong na rin ni Coulter. Malamang. Wala namang ginagawa ang pera ng binata kaya para saan pa kundi ay tutulungan nito ang kapatid at dating amain? Nangayayat si Tito Richard nang masilayan nila sa hospital bed. Ipinaasikaso na pala ito ni Coulter sa isang tauhan kaya nasa sa isang pribadong silid na kasama ang lola nila. Nag-iyakan

