Nagkausap sina Dylanne at mga kasamahan niya sa figure skating team sa pamamagitan ng messenger. Nagkagulo ang mga ito nang sagutin niya ang tawag ni Dasha. Hindi man siya makasali sa synchronized skating, baka naman daw ay gusto niyang sumali para sa pair skating, kasama siyempre ang kaparehang si Fred. Kahit wala siya roon ay palagi raw itong nag-eensayo kapares si Michelle. Wala namang kapareha ang kaibigan niya kaya wala itong problema kung magiging stand-in para sa kanya habang nag-eensayo si Fred. “I’ll think about it,” sagot naman niya. “I’m interested in joining it. Coach Vaslek knows about that. But I’m still not sure when I can come back, girls. But thank you, really! I appreciate all your thoughts and concern. For now, I like the break I’m having. I think I needed it so badly,

