Napasunod na lang ng tingin si Coulter sa tumatakbong dalaga. Laylay ang balikat niya at may naramdaman siyang may masakit na tumusok sa bandang puso niya. Gustong-gusto na niyang halikan si Dylanne. Alam niyang gusto rin nitong magpahalik. Kitang-kita niya iyon sa mga mata nito. Pero bakit? Bakit siya umalis? Dahil may iba na siyang mahal? Hindi ko na ba talaga mababawi ang damdamin niyang pilit kong iwaksi sa puso at isipan ko nitong nakaraang sampung taon? Ito ba ang kabayaran ng hindi ko pag-amin sa totoong nararamdaman ko para sa kanya? Umaasa lang ba ako sa wala? Nag-akala lang ba akong patuloy na isang “crush” ng teenager noon at alagaan iyon para maging katulad ng sa akin at tumubo ng isang tunay na “pagmamahal” sa tamang panahon? Pinaasa ko lang ba ang sarili ko na magiging gano

