Chapter Thirty MAYUMI MABILIS lumipas ang araw. Ngayon ay Diyembere na at kasama ko na si Amir sa kasera. Kahapon lang siya naglipat at kasama niyang nagbuhat ng mga gamit niya sina Nathan at Arc. Maayos naman siyang nakapagpaalam kina Mareng Ruby at Baste. Ipinangako naman niya na dadalaw dalawa siya kina Mang Ismael at tutulong pa rin sa pagsubaybay sa matanda habang hindi sila umuuwi. “Anong gusto mong lutuin kong ulam?” tanong niya habang nakahilata ko sa kama at siya naman ay kasalukuyang gumagamit ng laptop ko para sa kanyang mga takdang aralin. Araw ngayon ng Linggo at alas onse na kaya naman nagugutom na ang live in partner ko kaya nagtatanong na kung anong lulutuin niyang ulam. Tinatamad akong maglaba ng mga damit ko dahil gusto ko lang ngayon ay magrest. Pagod ako kahapon sa

