Chapter Twenty Nine AMIR PAGPASOK ko sa gate ay napansin kong pinagtitinginan ako ng ilan sa mga kababaihan at ng mga taong hindi ko naman masyadong kakilala. Ang ilan sa kanila ay mula sa College of Nursing at College of Education. Hindi na bago sa akin ang ganitong senaryo pero ang pagtinginan ako ng lahat sabay may bulungan pa ay tila ba nakakatindig balahibo. May masama akong kutob. Kaya naman binilisan ko ang paglalakad patungong building namin dahil kapag nakarating ako doon ay mararamdaman ko na safe ako sa mga mapanghusga at mapang-usisang mga mata ng mga estudyante at maging ng mga empleyado. Ilang metro na lang ay nasa may department na ako nang makasalubong ko si El. “Amir, kanina pa kita hinihintay,” bigla niya akong sinalubong at hinila ang aking kanang kamay. “Bakit?”

