Binuksan ko ang ilaw. Tumambad sa akin ang kalat sa lamesita. Mga boteng walang laman at ilang may takip pa katabi ang cellphone niya. Naamoy ko rin ang pamilyar na amoy ng alak. Tiningnan ko siya. Para siyang sinabunutan dahil magulo ang buhok niya. Suot pa rin niya ang itim niyang longsleeve polo na nakatiklop hanggang siko. Hindi pa rin siya nagpapalit ng damit? “Kumain ka na ba?” Tanong ko. Pakiramdam ko dapat ay umuwi ako ng maaga para ipagluto siya. “Pinuntahan kita sa eskwelahan mo para sunduin ka. Tinatawagan kita hindi mo naman sinasagot.” Sabi niya sabay salin ng alak sa baso. Nang maubos ang laman ay nagbukas siya ng panibago. Nanlamig ako sa narinig. Pumunta siya kanina sa University? “Sorry. Naka-silent kasi ang cellphone ko. Kumain ka na ba?” “Saan ka nagpunta?” Binab