Uminom ako ng juice at saka binalikan ang tina-type ko. Malapit na rin naming makumpleto ang research namin ni Mike. Dahil sa pagka-busy namin ay hindi ko namalayan ang oras. Dumilim na nga. “I think we’re done.” Ani Mike saka sinilip ang ginagawa ko. Sumang-ayon ako dahil halos buo na ang topic namin. “Last part na lang ito tapos pwede ng i-print.” Sabi ko. Tinangnan niya ang relos sa kanyang bisig at tiningnan ako. “Kumain na muna tayo.” Napatingin ako sa kanya. “Naku huwag na. Sa bahay na lang, tapusin ko lang ito.” Umayos ako ng upo at binilisan ang pagta-type. Hinawakan naman ni Mike ang aking kamay kaya napahinto rin ako. “Easy lang, Fia. Kaunti na lang iyan. Pagbalik natin madali na ‘yan. Bumaba na tayo at maghapunan. Dito na rin tayo sa mag-print.” “Ha? Sigurado ka? Nakakahi