Chapter 11

1396 Words

Kinuha ko ang libro sa itaas na estante. Tumingkayad ako para maabot ang libro sa Constitution kaya lang parang pinagdamutan ako sa binti dahil dulo lang daliri ko ang nadidikit sa libro. Nangangawit na ang kili-kili ko! Binaba ko ang braso at bumuntong hininga. Pagkatapos ay tumingkayad ulit. Ngunit bago ko pa maabot ang libro ay may naunang kumuha sa akin no’n. Binaba ko ang braso ulit at tiningnan ang kumuha ng libro. “Mike..” Sambit ko. Ang kanyang kaliwang braso ay prenteng nakasandal sa linya ng mga libro habang nakangisi sa akin. “Sorry Fia, na-late ako. Tara?” Nangunot ang noo ko. Napakamot siya sa kanyang batok ng dahil sa nakita niyang reaksyon ko. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at umayos ng tayo. “Hmm, dinala ko kasi iyong Laptop ko para maumpisahan natin ang typing.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD