"Sino iyang ama ng dinadala mo?" Napangiwi si Gwen sa mahigit isang daan na tanong na iyon ng ina niyang si Gemma buhat nang malaman na buntis siya. Mag-iisang buwan na siya sa probinsya nila pero nitong mga huling araw lang nagpakita ang mga senyales na buntis siya, tulad ng madalas siyang naduduwal tuwing umaga, naghahanap siya ng mga maaasim na pagkain. At dagdagan pa na laging napapansin ng ina na mabilis daw ang pintig ng pulso niya na sa kanilang probinsya ay iyon ang basehan kung buntis nga kahit walang pregnancy test o check up. Pero para makasigurado ay lumuwas pa siya ng bayan para bumili ng PT. At sa tatlong binili niya ay puro positive ang resulta. Sa una ay hindi niya Alam kung ano ang magiging reaksiyon. Kung malulungkot ba siya o mag-aalala. Basta natagpuan na lang niya ang