Hindi inaasahan ni Gwen na mapagbuksan ng pinto si Ylac. Simula nang sumulpot si Celine nang gabing iyon ay hindi na ito nagpakita o ni nagparamdam man lang sa kanya. Ni text o tawag ay wala, samantalang para siyang tanga na walang tigil sa pagbabakasakali na baka sa muling pag-dial niya ay mag-ri-ring ang number nito. Ilang beses na niyang tinangka na puntahan ito sa office o penthouse nito pero nadadaig siya ng takot. Paano kung nandoon si Celine? Makakaya ba niya? Naging laman ng balita ang muling pagbabalik ni Celine. Nabasa niya kanina sa diyaryo na nagkabalikan na raw ito at si Ylac bagay na pinaniniwalaan niya dahil napanood niya na ambush interview ito, ayaw nitong magbigay ng statement, umiiwas sa camera. At pinoprotektahan ito ni Ylac. They looked so perfect together. Nakakapani