"Two days lang naman ako mawawala." Paliwanag ni Gwen habang tinatampal ang kamay ni Ylac nang tinanggal na naman nito ang mga pinapasok niyang damit sa traveling bag niya. "Bakit kasi ayaw mo akong isama!" Angal ng nobyo. "Hindi ka naman sanggol na dumedede sa akin kaya okay lang kahit mawala ako ng two days 'no! At saka sabi ko nga next month na kita isasama doon sa probinsya dahil kailangan ko pang ayusin iyong bahay namin. Ayaw mo naman siguro matulog tayo sa sahig do'n kasama ang mga kapatid ko." Balak niyang umuwi sa probinsya dahil nanganak na ang kanyang ina. Gusto niya makita ang magulang pati na iba niyang mga kapatid. Nakabili na rin siya ng mga pasalubong para dito - o mas tamang sabihin ay binilhan ang mga ito ni Ylac. Malaking nagastos ng nobyo, tig-iisang mamahaling cellph