Naramdaman ni Gwenyth na may tumatapik sa kanyang pisngi. Pero hindi niya iyon pinansin at bagkus ay tumatigilid pa siya sa pagkakahiga at namaluktot.
"Mukhang wala ka yatang balak na umuwi?” ani ng baritonong boses.
Napadilat siya ng mata. At napabalikwas ng bangon. Si Ylac Mondragon!
“Go home now, Lady.”
Tinitigan niya ito ng masama habang sinasalansan ang gamit. "Oo na! Sa’yong-sayo na ang palasyo mo, isaksak mo sa baga mo!” Pero napaluhod siya sa lupa at napabunghalit ng iyak. “Pero sana bago mo ako palayasin, pakainin mo muna ako!” Daig pa niya ang isang batang nagsusumamo.
Tinitigan siya ni Ylac. Pagkaraa’y napabuntong hininga. “Alright, follow me.”
Pinapasok at pinakain nga siya nito. Maraming nakahain sa mesa at walang pakundangan niya iyon nilantakan. Sobrang sarap ng mga ulam na dinaig pa ang pagkain sa Restaurant. Sa palagay niya ay may sariling chef si Ylac sa Mansyon na iyon. Nakakatakam.
“Hindi mo dapat kinakain iyan!” wika ng binata na kanina pa nakatanghod sa kanya habang kumakain siya.
“Decoration lang yan sa plato.”
“Huh?” Natigilan siya. Gusto niya iluwa ang dahon na tinutukoy ni Ylac na dekorasyon. Pero masarap e! Kaya kibit-balikat na lang niya iyon na patuloy na kinain. “Kain ka! Gusto mo?” yaya niya sa binata na inabot dito ang isang pirasong fried chicken na isa sa maraming nakahain na ulam sa mesa.
“No!”
“Kung makatingin ka sa’kin parang diring-diri ka ah?”
“Wala bang may nagturo sa'yo ng basic table manner?”
“Kapag kumakain ka ng fried chicken, tinidor gamit mo?" Bungisngis niyang tanong. Sinadya niyang lagyan ng tunog ang pagkakahigop ng sabaw. At para namang kinilabutan si Ylac sa ginawa niya. “Baka gutom ka, nahihiya ka lang?”
“Hanggang alas singko lang ang last trip ng bus kaya bilisan mo na diyan.” Na estatwa ang binata pagkatapos sabihin iyon. Marahil na realize nito na mag-a-alas sais na. Napahawak ito sa batok. Tila naging problemado ang hitsura.
Buong araw siyang tila sumuong sa digmaan. Kay Ylac na problema iyon kung paano siya mapapaalis. Tinuloy niya ang maganang pagkain. Bunga ng katakawan ay nabilaukan siya.
Napa ubo siya kaya ang ilang kanin sa bibig niy.a ay lumipad papunta sa binata.
"Damn! You’re really a mess!”
“Tu… tubig!!”
Mabilis naman siya nito sinalinan ng tubig. “’Yan na mahal na reyna!”
Nahimasmasan siya matapos uminom ng tubig. Pagkuwa’y ay matamis siyang ngumiti. “Thank you, mahal din kita!”
“Are you crazy!?”
“Sorry, huwag kang hot. Akala ko kasi sinabi mo, mahal kita.” Nagpeace sign siya.
Napapikitsi Ylac. Halatang tinitimpi ang galit. “Bilisan mo na diyan. “ anito. Tumalikod na.
Mabilis niya itong pinigilan sa kamay.”Ylac, paano ako? Saan ako magpapalipas ng gabi?”
“Pwede kang bumalik kung saan ka natulog kanina.” Iyon lang at umalis na ito.
Natulala si Gwen. Talagang kaya nitong tiisin ang kaawa-awang babaeng tulad niya? Nawalan siya ng ganang kumain. Tumayo siya, akmang lilinisin ang pinagkainan niya pero nag-unahan ang dalawang katulong sa pag-agaw sa kanya ng platong hawak niya.
“Ineng, tapos ka na bang kumain?” tanong ng katiwalang ginang na bumungod sa dining area. “Halika, hahatid na kita sa magiging kwarto mo.”
“Po?” Namilog ang mata niya. “Hindi ako pa tutulugin sa labas ng Señorito niyo?”
“Hindi hija, binilin niya sa’kin na ihahatid kita sa magiging kuwarto mo.”
Napasuntok siya sa hangin. “Salamat ng marami , 'nay!”
Sumunod siya sa matanda nang magpatiuna na itong maglakad. Palinga-linga siya sa bawat kuwartong madaanan. At mayroon kuwartong nakaagaw sa kanyang atensyon. Sa palagay niya ay iyon na ang pinakamalaki. Sa lahat ng nandoon ay iyon lang ang nag iba ng pintura ng pinto. Lavender. Very feminine. Na tila binase sa character ng isang babae na mahinhin. Hindi niya mapaliwanag ang awra ng nasabing kuwarto. It seems magical. Kating-kati siya na masilip ang loob.
"Nay, pwede pong magtanong?”
“Ano ‘yon hija”
“Kanino pong kuwarto ‘yan?” tanong niya na tinuro ang kuwarto.
Napahinto sa paglalakad ang matanda. Napabuntong-hininga.“Kuwarto ‘yan ni Celine.”
“Celine!? Iyong girlfriend ni Ylac!?” Mas lalo siyang naging interesado. Hindi lingid sa publiko na may long time girlfriend si Ylac. Napabalita na nga engaged na ang dalawa. Hanggang sa umalis ng bansa si Celine at hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik kahit mag-a-anim na taon na. Naging misteryo ang paghihiwalay ng dalawa. Lalo na at walang nagsalita sa parehong kampo.
Tumango ang matanda.
Ngumiti siya ng ubod ng tamis. Inakbayan ang matanda. “Nay, pa tsismis naman. Ano ba talaga nangyari sa kanila ni Ylac Mondragon at kung bakit umalis si Celine ng walang paliwanag?"
“Naku, hija. Huwag natin pag-usapan iyan baka magalit pa sa atin si Señorito.”
"Nanay naman! Hindi naman malalaman ng Señorito niyo na kinuwento mo sa akin, promise, secret lang natin.”
“Talagang hindi pwede hija, pasensya ka na," sabi ng matanda. At saka hinawakan siya sa braso. “Halika ka na, malapit na tayo sa magiging kuwarto mo. Siya nga pala, ano’ng pangalan mo hija?”
“Genoveva Reyes po totoo kong pangalan, nang tumuntong ako sa Maynila naging Gwenyth. So tawagin niyo na lang po akong Gwen, 'nay. Kayo po, ano po pangalan niyo?”
“Ako nga pala si Mildred hija.”
“Kinagagalak ko po kayong makilala Nanay Mildred.”
“Ganoon din ako hija.” Pagkasabing iyon na matanda ay huminto ito sa isa mga pinto. At binuksan iyon. “Alam mo ba hija, isa ito pinakamagandang kuwarto dito sa mansyong ito, mukhang malakas ka sa Señorito namin.”
Bumungisngis siya ng tawa. “Nanay naman patawa! Parang pinagsakluban nga iyon ng langit at lupa kapag kaharap ako.”
Pagbukas ng pinto ng naturang kwarto ay nagilalas si Gwen. Namutawi sa kanyang bibig ang salitang wow ngunit walang tunog. Napakaganda ng kuwarto. May sariling ref at TV. May naka istambay na Laptop sa ibabaw ng study table.
May ilang paintings na nakasabit na sapalagay niya ay hindi basta-basta ang presyo. Dilaw ang pintura sa loob na tila ba pinasadya para sa babaeng bisita.
Tumalon siya sa malaking kama. At sinubsob ang mukha sa napakalambot na kubre kama. Nagpagulong-gulong pa siya. “Ang ganda nga kuwarto, 'nay! Kung pwede lang tumira dito habang buhay! Sarap sa pakiramdam!"
Marahang tumawa ang matanda. “Sige Hija, kung may kailangan ka, pindutin mo lang ang buton na iyan. “ Turo nito sa silver button sa tabi ng side tabe.” Tapos may pupuntang katulong dito. Isa pa pala, lahat ng kakailanganin mo tulad ng damit ay nasa built-in closet na. Iba’t-iba ang sizes diyan, tiyak may kakasya sa iyo.”
“Palagi sigurong may bisita si Ylac kaya handa talaga ang mga guest room.”
“Diyan ka nagkakamali hija, alam mo ba bukod kay Celine ay ikaw pa lang ang pinayagan ni Señorito na matulog dito.”
Bumangon siya sa kama. At umupo ng pa-indian sit. “Nay, sige na kasi magkuwento ka naman po tungkol sa lovelife ng Señorito. Promise, l’ll keep it as a secret.” Buong lambing niyang wika. Sinsero siya sa binitawang pangako.
Oo, tiyak patok ang write-ups tungkol sa buhay pag-ibig ni Ylac dahil tulad niya ay maraming interesado tungkol doon. Pero sapat na sa kanya na makakalap ng impormasyon para masagot ang pansariling kuryosidad.
Tinitigan siya ng matanda. Tila inaarok ang kanyang kalooban. Pagkuwa’y umupo ito sa kanto ng malambot na kama. “Simula’t sapul ako na nagpalaki kay Señorito hija, busy kasi palagi si Senyora. Hindi ako tinuring iba ni Señorito, para na niya akong ina. Alam ko ang bawat detalye ng buhay. Bukas siya sa akin maging sa usaping pag-ibig.”
Ayan na! Napuno ng pananabik ang kanyang puso sa intro pa lang ng matanda. Tutok na tutok ang mata niya dito na animo’y isa siyang bata na nakikinig sa kwentong fairytale.
Bumuka ang bibig ng matanda pero muling tumikom. Tila nagbago ang isip at ayaw na magkuwento. "Ah basta hija, umalis si Celine. Alam niyo naman yatang lahat 'yon."
“Baka po hindi niya mahal si Ylac, Kaya umalis si Celine."
“Malabo iyan hija, higit na mas mahal ni Celine si Señorito, nakita ko iyon. Naging malaking palaisipan kung bakit niya kailangan mangibang bansa at makipaghiwalay kay Señorito Ylac.”
“E, baka nga po may boyfriend sa ibang bansa si Celine.”
“Malabo nga iyan hija.” Madiin na wiika ng matanda na tila ba siguradong-sigurado ito sa sinasabi nito. Tinapunan pa siya ng tingin na tila ba nakukulitan sa kanya.
Siguro pakpak na lang kulang at isa ng anghel si Celine, iyon kasi ang pagkakalarawan ni Nanay Mildred.
Magsasalita pa sana siya nang may kumatok sa pinto. At ilang sandali pa ay iniluwa doon si Ylac Mondragon
“Nana, komportable po ba ang mahal na reyna?” pauyam na tanong ni Ylac.
“Ikaw naman! Prinsesa lang, ano ka ba!” inipit niya ang buhok sa tenga. Sinadya niyang umaktong tila nahihiyang teenager. “Medyo okey ang room, may kaliitin nga lang.”
Napamaang ang binata. Sindak ang mukha. Iyon marahil ang unang pagkakataon na may nagreklamo sa pamamahay nito. “Baka gusto mo sa master’s bedroom na lang?”
“Okey, meaning palit tayo ng room ngayong gabi?”
“Reyna talaga tingin mo sa sarili mo?”
“Amnesia? Prinsesa nga lang ‘di ba?”
Natawa si Nanay Mildred. “Naku, baka mamaya niyan sasabog na sa galit alaga ko.”
“Para pala siyang bulkan. Boom! Sumasabog!” Binalingan niya si Ylac. “Mag-artista ka na lang, gawan mo ng sequel ang Anak ng Bulkan, bagay ka gumanap do’n!”
"I don’t what you are talking about.”
“E ‘di i-research mo, ano pa silbi ng Google.”
Namula si Ylac. Halatang kumukulo na ang dugo nito sa kanya
“Hala, sige maiiwan ko na kayo, marami pa akong gagawin.” Paalam ni nanay Mildred. Tinungo na ang pinto. Malamang naramdaman nito na pikon na ang alaga.
Nang maiwan sila ni Ylac ay walang babalang pinitik niya ang noo nito. “Super gwapo mo talaga kahit magkasalubong iyang kilay mo!”
Napamulagat binata. Hawak ang noo. Palibhasa ay mayaman kaya namula iyon.
“s**t! Did you just hit me?”
“Uy, pitik lang iyon ha!”
“Ikaw pa lang nakagawa nito sa akin!” Dumagundong ang boses nito sa loob ng kuwarto.
“So ano, ipa-guiness book of world record natin?” Sa kabila ng takot ay nakuha pa rin niya mamilosopo.
"You – “ Pigil ng binata ang inis.
Ngumiti siya ng matamis. May umilaw na namang ideya sa kanyang utak. Hinawakan niya ang dalawang kamay ng binata.
Pumikit siya. “Turuan kita kung paano mag relax.” aniya. “Inhale, exhale. Repeat. Inhale,exhale!” May kung ilang beses din niya inulit iyon ngunit wala siyang nakuhang reposnse kay Ylac.
Awtomatikongnapamulat ng mata si Gwen. “Hindi ka na – “ Hindi niya natuloy ang sasabihin nang mapansin na titig na titig sa kanya ang binata.
Nangatog bigla ang tuhod niya. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob at nakipagtitigan din siya sa binata. “Y-ylac ...” anas niya nang unti-unting bumaba ang mukha nito.
Hahalikan ba siya nito? Ano’ng gagawin niya? Pinili na lang niya na ipikit ang mata. Sayang naman kung mag-iinarte pa siya. FREE KISS na nga!
“You crazy little witch.”
Daig pa niya ang sinabugan ng granada. Ang ilusyon niya ay parang salamin na nagkabasag-basag. Bubulong lang pala.
Sayang!
“Do you think I will kiss you? “ Nakangisi ito.
She rolled her eyes. “Heler! Assuming!”
“Bakit hindi ba?”
"Hinding-hindi!"
Kinulong nito ang pisngi niya gamit ang mga kamay nito. At nakita niya na pumikit ito habang unti-unting binaba ang ulo papunta sa labi niya. At dahil marupok siya ay pinikit rin niya ang mata at pinatulis ang labi.
Naghintay siya pero walang labi na dumikit sa kanya kaya muling napamulat siya. At nakita niya ang binata na yumuyugyog ang balikat sa pagpipigil ng tawa.
Sumimangot siya. "Sorry to burst your bubbles, pero pumikit lang ako at walang ibig sabihin iyon!"
"Paano iyong panunulis ng nguso mo?"
"Pouty lips lang talaga ako ala Angelina Jolie." She then pouted her lips again.
Ngumiti si Ylac. At ngiting iyon ay nauwi sa tawa.
O-M-G! Tama ba ang makikita niya?
Yes!
Daig pa niya ang nanalo sa lotto.