Hindi maipinta ang mukha ni Gwen habang naglalakad sa gitna ng kalsada. Kagabi lang ang ganda ng mood ni Ylac. Tumawa pa nga ito. Feeling close na nga siya e! Tapos palalakarin siya pauwi.
Hindi man lang ito nag alok na pasabayin siya sa kotse nito, total nang tanungin niya ay pabalik rin papa ito ng Maynila. Kaya pala heavy meal ang breakfast kanina at panay pa ang sabi na kumain siya ng marami, iyon pala pasasabakin na naman siya nito sa kilometrong lakaran.
Balik na naman ang binata sa pagiging masungit. Pero hindi bale, kumupit naman siya ng remembrance. Kinuha niya ang picture ng binata na naka frame at nakalagay sa isang istante.
Masisi ba niya sarili niya kung bakit tinangay niya iyon ng walang paalam? E, ang gwapo at ang cute kasi ni Ylac sa picture na iyon. Tantya niya ay during college days pa iyon. Naka uniporme ito ng pang baseball habang may hawak na bat na nakasabit sa balikat nito. At baligtad pagkakasuot nito sa baseball cap. Mukha itong masaya. Nakangiti. Ngiting galing sa puso. Malayo sa Ylac Mondragon na kilala ng mga tao ngayon.
Inilabas niya mula sa bag ang kinupit niya. Napawi ang inis niya. “Ang cute mo sa picture na ito,Ylac Mondragon!” wika niya. Gigil niya iyon hinalikan. At saka binalik uli sa bag.
Okay na siya, malakas pa kasi sa cobra energy drink ang energizer niya.
Pagbalik sa Maynila ang una niyang gagawin ay gumawa ng maraming resume. Kailangan niyang makahanap ng trabaho at nang may maipadala pa rin siya sa probinsya.
Marami kasi silang magkakapatid. Kasalukuyan pang buntis ang kanyang ina. Tatay niya kasi hindi marunong magkontrol , akala mo may ari ng factory na gumagawa ng bata na perfect match naman sa ina niyang masipag umiri.
Naulinigan niyang may paparating na sasakyan mula sa kanyang likuran. Agad siyang tumabi. Nakilala niya ang kotse ni Ylac. Hindi na siya umaasang hihinto ito at pasasakayin siya nito.
Pero himala! Hindi niya akalain na hihinto sa tabi niya ang kotse.
Binaba nito ang bintana ng kotse. “Sakay na.” utos nito.
Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Agad siyang sumakay sa hulihang bahagi ng kotse.
“At gagawin mo pa akong driver?"
“Sorry!” Mabilis siyang lumabas at nagpalit ng puwesto sa harap. “Thank you talaga, Ylac ha.” Hindi na niya ininda ang pride niya kahit kaninang umaga ay nagmistula na namang tigre ang binata. Kakapagod kasi maglakad.
Hindi sumagot ang binata. Deretso lang ang tingin nito sa daan. Hindi na sila nag imikan. Palihim niyang sinulyapan ang binata. Walang mamabasang emosyon sa mukha nito habang nagmamaneho. Hindi niya maarok ang sa loobin nito. Gusto niyang magsimula ng usapan pero na i-intimadate siya dito. Tahimik kasi itong tao. Tipid magsalita.
Nakaramdam siya nang pagkabagot nang humigit trenta minutos ang durasyon ng kanilang byahe ay wala pa rin nagsasalita ni isa kanila. Para malibang ay sumipol siya na nilangkapan ng mahinang pagkanta. Kailangan niya magrelax. Pakiramdam kasi niya ay nasa silya elektrika sa sitwasyon niya ngayon na may kasamang halimaw. Halimaw sa kagwapuhan!
“What’s the titile of that song?” Sa wakas ay tanong ng binata.
"Lakas tama!” sagot niya.” Lakas tama! Ako’y nawawala, nawawala ang isip ko pagnakikita ka!” Tuluyan na niyang kinanta. She was not a fan of this kind of genre. Alam lang niya ang kantang iyon dahil madalas niyang naririnig sa katabing apartment nila ni Nimfa. May papitik-pitik pa siya ng daliri na animo’y may hawak na instrumento. Pumipikit pa ang mata niya.
“So I see, pang adik na kanta.”
“Hoy! Hindi ako adik ha!” Napahumindig niyang wika.
Napatango-tango ang binata. Sinulyapan siya na may pagdududa.
"Hindi nga ako adik!"
"Sabi mo eh."
Dumaan na naman ang katahimikan.
“Ylac . . .”
“Yes.”
“Ylac, bakit ba ang seryoso mo? Noong pinagbubuntis ka ba ng mother, pinaglihi ka sa pelikulang Patayin sa Sindak si Barbara?”
“Was that a horror film?”
Tumango siya. “Oo, pang horror kasi ang ugali mo.”
Nagkasalubong ang kilay ng nito.
"Joke! Joke lang!" Nagpeace sign siya. "Siya nga pala dahil pinatunayan mo na may busilak kang puso dahil pinasakay mo ako, gagatimpalaan kita ng isang halik."
"No thanks!"
"Uy! Joke lang din iyon 'no." ingos niya na nasaling ang pride. Buti na lang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya iyon nang makitang pangalan ni Nimfa - bestfriend niya ang ang tumatawag. “Hello, ano na naman!?”
“Gwen! Nasaan ka? Pinalayas tayo ni Aling Pilar sa apartment natin.” Kulang na lang ay ngumuwa ng iyak si Nimfa sa kabilang linya. “Hindi pa daw kasi tayo nakakabayad sa upa!"
Nanlaki ang mata niya. Isang malaking WHAT ang nasabi niya. Maging si Ylac ay napatingin sa kanya.
“Ano’ng gagawin natin?” mangiyak-ngiyak niyang tanong. Dobleng dagok ang dumating sa kanya. Una, ang nakaambang mawawalan siya ng trabaho. Ngayon, heto! Wala na siyang matirhan.
“Hindi ko rin alam, pag-usapan na lang natin kapag nandito ka na kaya umuwi ka na!"
Tumango siya kahit hindi nakikita ni Nimfa. Naputol ang sa kabilang linya. Malamang na expire na ang unlimited call ng kaibigan
Ano na ang gagawin niya? Tuluyan na siyang napaluha.
“What’s wrong?” tanong ni Ylac.
“Ah boyfriend ko iyong tumawag. Nagproposed. I’m so happy.” Palusot niya habang hindi maampat ang pag ngilid ng mga luha. Ayaw niyang sabihin sa binata kung ano ang nangyari baka magbunyi pa ito. At saka palagay niya ay hindi naman ito mautangan ng pera.
“Ganyan na pala ang masaya ngayon, parang namatayan.”
“Tears of joy ‘to.”
Nagkibit-balikat lang ang binata.