Natulos sa kinatatayuan si Gwen nang makita ang kaibigang si Nimfa na nakalupasay sa gutter katabi ang mga nagkalat nilang gamit. Awang-awa siya sa hitsura ng kaibigan. Mabilis niya itong nilapitan at niyakap. “Nasaan ang matandang hukluban na iyon? Magtutuos kami!” “Nandoon sa sugalan,” ani Nimfa. “Huwag ka ng pa-hero diyan. Ako nga hindi umubra e!” Walang babala na tumawid siya sa kabilang kalsada. At tinungo ang bahay kung saan ang naturang pasugalan. “Aling Pilar! Lumabas ka diyan!” “Hoy! Genoveva tumigil ka diyan!” saway ni Nimfa na sumunod sa kanya. “No! Kailangan maturuan ng leksyon ang matandang hukluban na ‘yan!” Sinigaw niya ulit ang pangalan ng kanyang landlady. May lumabas pero hindi ang bruha. Sa tindi ng bugso ng damdamin ay pumulot siya ng bato at binato iyon sa bintan