Rica’s POV PAGBAYAD ni Angkol Carlos sa counter, kinuha niya ang resibo at itinupi nang dahan-dahan. Ako naman, hindi pa rin maalis sa pagkayakap sa sarili. Suot ko pa rin ang jacket niya. “Uwi na tayo?” tanong niya habang ibinabalik ang card sa wallet niya. Parang walang nangyari kanina sa aisle. Normal na normal ang boses. Pero ang sulyap niya sa akin… hindi normal. May ngiti sa gilid ng mga labi niya na parang may alam siyang sikreto ko. “Opo, Angkol,” sagot ko. Mahina lang. Na para bang kapag nilakasan, lalong maghihinala si Angkol kung bakit nanginginig ang boses ko. Ibinaba ko ang tingin sa sapatos ko. Natatakot akong magtama ang mga mata namin. Baka mahuli niya na pulang-pula na naman ako. Hinubad ko na nga ang jacket niya at baka isipin niyang nagpapasarap na ako. Paglabas

