Rica’s POV SA isang pinakamalaking pamilihan na may hardware sa bayan kami dumiretso ni Angkol Carlos. Sabi ni Angkol may bibilhin daw siya para sa garden. “Sumunod ka lang,” sabi niya habang binubuksan ang pinto papunta sa hardware para sa’kin. “At huwag kang lalayo sa tabi ko. Maraming tao.” Tumango lang ako. “Opo, Angkol.” Pagpasok namin, siksikan agad dahil sa dami nga ng tao. Mainit kahit malakas naman ang aircon. Amoy semento at pintura. Siya ang nauunang maglakad. Ako nakasunod lang sa kaniya. Pero tuwing may dadaan na lalaki, gumagalaw ang braso niya paatras, parang hinaharangan ako nang hindi ako hinahawakan. “Rica, ito kunin mo. Ilagay mo sa cart natin,” iabot niya sa’kin ang isang spray bottle. Dumikit ang daliri niya sa palad ko saglit. Hindi ko alam kung sinadya ni Angk

