KABANATA 5

1305 Words
Rica’s POV NAKAHIGA pa rin ako nang marinig ko na humina ang mga yabag ni Angkol Carlos palayo sa silid ko. Hindi na siya bumalik sa pinto. Hindi rin siya kumatok. Siguradong nagpigil na naman siya. Napapikit ako nang mariin. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang dibdib, at isip ko na kanina pa magulo. Ang lamig ng sahig na dumampi sa mga paa ko nang pumunta ako sa banyo para maligo ulit at linisin ang sarili ko na nanlalagkit dahil sa katatapos ko lang na pagpapaligaya nang mag-isa. Kinuskos ko ang aking katawan, lalo na ang aking kaselanan. Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya sa ginawa ko. Pero wala naman akong pinagsisisihan. Nasarapan pa nga ako. At dahil doon kaya natuklasan ko ang lihim na paghanga ko kay Angkol Carlos. Kailangan mo na talagang magdesisyon, Rica. bulong ko sa sarili ko. At bago lumabas ng banyo ay ang buong-buo na talaga ang desisyon ko. Hindi ako aalis. Pero hindi rin ako magiging isa sa mga babaeng dumarating at umaalis lang sa buhay ni Angkol. Tatanggapin ko ang alok niya kanina. Ang nanatiling kasambahay. Nagtatrabaho nang normal, sumasahod, at may sariling kuwarto. Kuwarto na hindi niya puwedeng pasukin kung kailan niya gusto para gamitin ako. Kung darating man ang araw na mangyari iyon sa’min, iyon ay dahil gusto namin pareho. Hindi ako magiging parausan lang ni Angkol Carlos. Promise ko ‘yon sa sarili ko. Bago tuluyang lumiwanag, nagbihis ako ng pinakasimpleng damit ko. Isang lumang puting T-shirt at cotton shorts na hanggang tuhod. Walang ayos sa buhok. Walang pulbos. ‘Yong mukha kong walang kaarte-arte. ‘Yon ang ipapakita ko kay Angkol Carlos araw-araw. Hindi ako ang unang magpapakita ng motibo. Nakakahiya ‘yon. Lalo na kapag nalaman niya ang libog na bigla ko na lang naramdaman para sa kaniya kahit sobrang tanda na niya para sa’kin. Bago ako lumabas, tumingin ako sa maliit na salamin sa pader. Pinilit kong gawing normal ang mukha ko. Hindi puwedeng may makahalata sa ginawa ko kanina. Lalo na si Angkol. Pagbukas ko ng pinto, tahimik pa ang buong bahay. Naririnig ko na lang ang paggalaw ni Manang Lumen sa kusina at ang mahinang tunog ng radyo na laging naka-ON sa umaga na pinapakinggan nila at ng ibang kasambahay. Amoy kape at sinangag. Isang normal na umaga kahit ubod ng yaman ang amo namin. “Good morning po, Manang Lumen,” bati ko sa mayordoma nang pumasok ako sa kusina. Kasama niya si Marietta na kasambahay din at ka-edad ko lang. Nagluluto sila ng almusal. “May maitutulong po ba ako?” “Wala pa ba kayong naging usapan ni Sir Carlos, Rica?” sa halip ay tanong niya sa’kin. Medyo namula ang mukha ko kasi alam ko ang tinutukoy niya. At gano’n din yata si Marietta kaya parang excited siyang marinig ang sagot ko. Umiling ako. “Wala pa ho. Pero nakapagdesisyon na ako, Manang Lumen. Hindi ho ako papayag. Binigyan na rin ako ng choice ni Angkol Carlos. Puwede raw ho akong manatili rito bilang normal na kasambahay kahit umayaw ako sa inaalok niya,” matapat kong saad. Alam naman na nila ang nangyayari sa bahay na ito kaya wala ng dahilan pa para maglihim. Nakita ko ang kasiyahan na gumuhit sa mukha nila nang marinig ang sinabi ko. “Proud kami sa’yo, Rica. Hindi ka nagpasilaw sa inaalok ni Sir Carlos. Hindi ka katulad ng ibang naging kasambahay dito noon na pumayag na maging parausan ni Sir Carlos,” sagot ni Marietta. “Talaga? Ibig sabihin, bawat kasambahay na pumapasok dito, inaalok din ni Sir Carlos?” “Basta may hitsura at sexy at pasado sa taste ni Sir Carlos, oo.” Si Manang Lumen naman. “Unang dating mo pa lang dito, alam ko ng aalukin ka ni Sir Carlos kahit pa pamangkin ka ni Rosa. Ang mga babaeng tulad mo ang gustong gusto niyang maging parausan.” Napalunok ako. Lalong uminit ang mukha ko. “E-eh, nasaan na ho ngayon ang mga kasambahay na naging parausan ni Sir Carlos?” usisa ko. “Umalis na. Nilabag nila ang rules na bawal ma-in love kaya pinaalis na rin sila ni Sir Carlos pagkatapos ng kontrata o kaya kapag nagsawa na siya. Tulad ng mga ibang parausan ni Sir. Sina Ma’am Maya at Chelsea. Maagang pinagsawaan ni Sir kaya isang buwan pa lang, terminated na,” patuloy na pagkukuwento ni Marietta. “Eh, bakit ikaw? Nandito pa rin? Hindi ka lumaba sa rules?” usisa ko uli. Maganda at sexy rin kasi si Marietta. Nakangiti na nagkatinginan sina Marietta at Manang Lumen. “Hindi ako puwedeng maging parausan ni Sir Carlos kasi malayong kamag-anak niya ako, Rica. Dinala niya ako rito para may makasama si Manang Lumen na pangmatagalan. Kasi nga walang tumatagal na kasambahay niya.” “Baka ikaw pa lang,” sabi agad ng mayordoma nang tumingin sa’kin. Nakagat ko ang aking labi. Masasabi pa kaya iyon ni Manang Lumen kapag nalaman niyang ngayon pa lang ay naaakit na ako sa boss namin? Rica’s POV DAHIL kaya na raw nila ang pagluluto kaya inutusan na lang ako ni Manang Lumen na maglinis habang tulog pa raw si Angkol Carlos. Sinimulan ko sa sala. Nagwalis ako. Nagpunas ng mesa at nag-ayos ng mga unan sa sofa. Pati ang mga naka-display na wala namang karumi-rumi ay pinunasan ko na rin. Hindi ko alam kung may dumi ang ilalim ng sofa pero dinukot ko pa rin ng walis. Hindi pa kasi ako marunong gumamit ng vacuum kaya ito muna ang pinagamit sa’kin ni Manang Lumen. Nakatuwad ako habang dinudukot ng walis ang ilalim ng sofa nang maramdaman ko na parang may tao sa likod ko. Lumingon ako. Nakita ko si Angkol Carlos. Nakatayo siya. Hindi ko alam kung kabababa lang ba niya ng hagdan o kanina pa niya ako pinapanood. “G-Good morning po, Angkol,” sabi ko lang. Bumalik na ako sa pagtuwad. Sinusundot ng walis ang ilalim ng sofa kahit wala naman akong nakikitang dumi. Lumipat siya sa tapat ko. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya. Narinig ko lang ang paghinga niya nang malalim. Hindi naman siya nagsalita. Tapos umalis na rin. Doon lang ako nakahinga nang maluwag. Kasi kung tumingin siya nang mas matagal, baka mabasa niya sa mukha ko ang pagn*n*sa ko sa kaniya. Baka makita niya sa mata ko kung paano ako nanginginig kanina habang nagsasarili ako at pinapantasya ko siya. Rica’s POV BUONG ARAW, ginawa ko lang ang trabaho ko kasi hindi pa naman ako kinakausap ni Angkol tungkol sa alok niya. Naglaba ako. Nagplantsa ng mga damit’ ni Angkol Carlos. Nagpunas ng mga bintana. Nagdilig ng mga halaman sa garden. Kahit ano para mapagod ang katawan ko. Para pagdating ng gabi, tulog agad. Wala ng oras para mag-isip ng mga bagay na hindi ko dapat isipin. Tulad ng pagpi-f*nger, at pagpapantasya ko kay Angkol. Nahihiya na ako kahit ako lang naman ang nakakaalam niyon. Si Marietta ang nagturo sa’kin kung saan nakalagay ang mga gamit. Medyo madaldal siya pero mabait. Close na nga agad kami. Hapon na nang matapos ako sa lahat ng mga gawain ko. Nagpapahangin na lang ako sa garden nang mapansin ko na parang lumuwag ang bra na suot ko. Saka ko lang napansin na natanggal na pala ang hook. Hindi ko alam kung kailan pa. Tuwad nang tuwad pa naman ako habang naglilinis tapos maluwag ang T-shirt ko. Namula ako nang maalala ko ang paglipat ni Angkol Carlos sa tapat ko kanina habang naglilinis ako ng ilalim ng sofa. Nakita niya kaya ang b**bs ko kaya napahinga siya nang malalim? Tumingin ako sa paligid kung may tao. May mga lalaking kasama kasi kami rito. Boy at driver. Dali-dali kong inayos ang hook ng bra ko pero pagod ang mga kamay ko kaya nahirapan akong ayusin. “Kailangan mo ba ng tulong?" Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD