Chapter 1: Mitchell

2006 Words
"Best, gising na," nakaramdam ako ng pag-uga sa aking balikat, sunod sa aking hita at sunod ay sa buong katawan ko na. "Hoy! Gumising ka na!" "Aish! Alis d'yan, inaantok pa ko," tinulak ko s'ya paalis sa kama ko. Nakakainis, isa s'yang abala sa masarap na pagtulog ko. Minsan na nga lang makatulog ng mahimbing, inaabala pa n'ya. "Gumising ka na, samahan mo ako," muli na naman n'ya akong inuga sa balikat bago ipinasok sa butas ng ilong ko ang dalawa n'yang daliri. "Ano ba?!" inis kong sigaw sabay balikwas ng bangon pero nakapikit pa rin ako. Antok na antok pa ko talaga. "Gising ka na ba best?" nakakaloko pa na tanong n'ya sa akin sabay buklat ng dalawa kong mata. Putcha! Sira ulo talaga! Tinampal ko ang kamay n'ya. "Bakit ba kasi? Ang aga mong mambulabog." "Magpapasama nga ako sa'yo. Bibili tayo ng mga gamit natin para sa pasukan," sagot n'ya. "Bakit ang aga naman? P'wede namang mamaya na lang tanghali, at saka sarado pa ang mall," sabi ko at nahiga 'uli. Inaantok pa ko talaga, pero mukhang wala yata talaga s'yang balak na tanggapin ang suggestion ko, dahil muli n'ya akong niyugyog sa pwetan ko. Nakatagilid kasi ako ng higa patalikod sa kan'ya. "Putik! Oo na, shuta ka!" pupungas-pungas akong bumangon habang s'ya ay tumatawa. Naisahan na naman ang bruha na 'to. Lumabas ako ng k'warto para pumunta sa banyo at maghilamos. Nasa kusina kasi ang banyo namin. Hindi kami kagaya ng mayayaman na sa bawat k'warto ay may sariling banyo. Naghilamos lang ako at nagmumog ng mabilis tapos lumabas na ko kaagad. Naabutan ko si Cath na nakaupo na sa harap ng hapag kainan at umiinom na ng kape. "Kain na tayo bestpren," sabi n'ya na nakangiti ng makita ako. Naupo ako sa katapat n'yang upuan at naglagay ng sinangag sa plato ko, may nakahain na kasi sa lamesa. Habang kumakain kami, napapasulyap ako rito sa kaibigan ko at napapaisip kung bakit s'ya nagtitiyaga sa pagkain namin dito, samantalang mas masarap naman ang pagkain lagi sa bahay nila. Mayaman kasi sina Cath, maraming negosyo ang pamilya nila rito sa Pilipinas, meron din silang isang branch sa Korea. Pero kahit anong yaman ng babae na 'to, hindi ko kailanman naramdaman 'yun sa kan'ya. Wala kasi s'yang kaarte-arte sa katawan. Minsan nga sabi ko sa kan'ya na, buti hindi s'ya pihikan sa pagkain, at kaya n'yang kainin lahat ng pagkain na inihahain namin sa kan'ya kahit na ang iba ay hindi pamilyar sa kan'ya. At dahil may saltik ang kaibigan kong ito, ang isinagot n'ya sa akin ay, "P*pe, nga nakakain ko kahit wala pang hugas, 'yun pa bang tunay na pagkain." Sira ulo 'di ba? Walang patawad ang bibig, sasabihin n'ya talaga ang sagot na gusto n'yang sabihin ng walang pag-aalinlangan kahit pa kabastusan. Bisexual si Cath, out and proud na 'yan ngayon. Dati kasi hindi ko alam dahil hindi naman n'ya sinabi sa akin. Nalaman ko lang ng minsan hanapin ko s'ya dahil may itatanong ako at aksidente akong napapunta sa likod ng aming classroom noong first year high school kami at nakita ko s'yang may kahalikan doon habang hawak pa n'ya ang isang dibdib ng isang babae. Sobrang gulat ko noon, nabitawan ko pa nga ang hawak kong notebook dahilan para maaagaw ko ang pansin nilang dalawa. Kitang-kita ko rin 'yung gulat sa mukha ni Cath ng makita ako. Flashback "M-Mitch, magpapaliwanag ako," sabi n'ya. Parang sobrang kabado n'ya at nauutal pa s'ya. Umalis na ang babae na kahalikan n'ya kaya kami na lang ang nandito sa likod ng room namin. "Ano 'yun? Bakit may ganun?" tanong ko. Hindi ko alam kung paano ko itatanong sa kan'ya 'yung nakita. "Sorry bespren, kung hindi ko sinabi sa'yo, natatakot ako. Natatakot akong iwasan mo o mandiri ka sa akin dahil ganito ako," naiiyak na s'ya habang nakatingin sa akin. Naglakad s'ya palapit sa akin at panay pa rin ang sorry. Isang sampal sa mukha n'ya ang ginawa ko. Gulat s'ya na napatingin sa akin habang sapo ang mukhang n'yang sinampal ko. "T*nga ka ba?" sigaw ko sa kan'ya, "Paano mo naisip na iiwasan kita o mandidiri ako sa'yo dahil gan'yan ka? Cath naman, best friend mo ako, syempre hindi ko kayang gawin sa'yo 'yun, alam mo dapat 'yun 'di ba?" Nagbaba s'ya ng tingin. "Sorry bespren, natakot lang ako talaga." Umiiyak na s'ya ngayon, kaya niyakap ko na s'ya. "Baliw ka talaga Catherine, para isipin na kaya kong gawin sa'yo 'yun. Kung ako nga tinanggap mo bilang kaibigan mo kahit na mahirap lang ako, sino naman ako para husgahan ka at pandirihan." "Thank you bespren, thank you talaga," sabi n'ya habang sumisinghot-singhot pa. End of flashback. Simula noong araw na 'yun parang mas naging close pa kami ni Cath. Kasama n'ya na ako kapag may lakad s'ya kasama ng chix n'ya. Napaka-play girl ng babae na 'to. Jusko! Tinalo pa si Kuya ko sa sobrang pagkababaera. Napapailing na lang ako minsan kapag nasasampal s'ya ng mga babae n'ya sa harapan ko, tapos hindi ko alam kung maawa ba ako sa kan'ya o matatawa. "Matunaw naman ako bespren, kanina ka pa nakatitig sa akin," sabi n'ya, "Crush mo na ba ako? Sorry, hindi tayo talo." Inirapan ko naman s'ya dahil sa sinabi n'ya. Kapal ng mukha, hindi ko s'ya type. "Kapal ng mukha mo ang aga-aga, hindi ka kagandahan," sabi ko at tumayo na. Tapos na kasi akong kumain. Humagalpak naman ng tawa ang baliw kong kaibigan. Muntik pa ngang masamid sa iniinom n'yang kape. "Wow ha! Hindi pa ba kagandahan sa'yo ang mukhang ito bespren? Ang taas naman ng standards mo," tumayo na rin s'ya bitbit ang plato n'ya at inilagay sa lababo. "Oo, kaya 'wag kang adik. Hindi ko pangarap kumain ng tahong mo!" sagot ko. Humalakhak na naman po ang kaibigan ko. Ang saya n'ya kapag usapang kahalayan. Tsk! Naghugas ako ng mga plato. Hindi ko na itinanong sa kan'ya kung nasaan sina Inay, alam ko naman kung nasaan sila ng ganitong oras. Nandoon sila sa palengke at nagtitinda ng mga gulay at iba. Si Kuya Michael naman ay nasa k'warto n'ya at natutulog dahil pang gabi ang pasok n'ya sa pabrika na pinagwo-work-an n'ya. Naligo ako pagkatapos kong maghugas ng plato. Sa banyo na rin ako nagbihis dahil nandoon ang best friend ko sa k'warto ko. Mahirap na baka tikman din ako ng babae na 'yun. Charot lang! "Tara na f**k girl," sabi ko sa kan'ya pagpasok ko sa k'warto. Nakapag-ayos naman na ako ng konti polbos at konting lip balm. Okay na ang beauty ko. "Baliw!" natatawa n'yang sabi bago bumangon sa kama ko. Sumakay kami ng kotse n'ya papunta ng mall. Sa book store kami agad nagpunta. "Pili ka na ng mga gamit mo bespren," sabi n'ya sa akin. Inabutan n'ya ako ng basket na lalagyan ng bibilhin namin. "Sa palengke na lang ako bibili best, mahal dito," sabi ko. Mas makakatipid kasi ako kung doon ako bibili, p'wede pang tumawad. "Hindi bespren, pili ka. Pinadalhan ka ni Mommy ng pera," sabi n'ya at inabot sa akin ang ten thousand pesos. "Naku naman, 'wag na. Nakakahiya na kay Tita," sabi ko at ibinabalik sa kan'ya ang pera. "Aray ko naman." Hawak ko ang buhok ko, hinila ba naman ng babaita na ito. "Sira ulo ka kasi. Magtatampo sa'yo si Mommy kapag tinanggihan mo 'to, bahala ka," sabi n'ya. Kaya no choice na kinuha ko 'uli sa kan'ya ang pera. Kapag kasi bilin ni Tita tapos may pahabol pang magagalit o magtatampo s'ya kapag hindi ko tinanggap, ginagawa n'ya 'yun talaga. Dati kasi dahil hiyang-hiya na ako sa panlilibre ni Tita sa mga gamit ko, tinanggihan ko na talaga. Kaso 'yun hindi ako pinansin ni Tita ng isang linggo. Ngumisi sa akin na parang nakakaloko ang best friend kong baliw. "Sige na pili ka na." Namili na kami ng mga gamit namin, like mga notebook, ballpen, papel, marker at iba pa. "Bespren, ang ganda tingnan mo," ipinakita n'ya sa akin ang hawak n'yang backpack. Parehas 'yun ng design pero magkaiba ang kulay. "Maganda nga," sabi ko. Kinuha ko ang isa sa kan'ya at tiningnan ang loob. "Bili tayo nito, tig-isa tayo. Sa'yo ang orange na may touch ng black, tapos sa akin itong red, para parehas tayo," "Ikaw na lang, okay pa naman 'yung bag na ginamit ko last year," sabi ko at ibinigay sa kan'ya 'uli ang bag. "Ano ka ba naman best friend, luma na 'yun, at saka high school pa tayo noon, college na tayo ngayon, kaya dapat maporma tayo. Madami roon mga magagandang chix," pataas-taas pa ang kilay n'ya sa akin na parang pumoporma. "Puro chix 'yang nasa utak mo. College na tayo, magtino ka na, p'wede?" sabi ko. Kinuha ko na rin ang bag na ibinibigay n'ya sa akin. Hindi rin naman n'ya kasi ako tatantanan kapag tumanggi ako. "Matino naman ako ah," sabi n'ya na nakanguso. "Ewan ko sa'yo. Wait lang at magsi-cr muna ako," sabi ko. "Baka kailangan mo ng tulong," sabi n'ya na nakangisi. "Gago!" sagot ko. Puro kalokohan talaga. Sumakay ako sa escalator ng mall, para pumunta ng banyo, nasa second floor kasi 'yun. Dali-dali akong pumasok sa loob ng unang cubicle na bakante. Ngayon ko lang na-realized na iheng-ihe na pala ako. "Success," bulong ko ng mailabas ko lahat ng tubig sa loob ng pantog ko. Lumabas na ako agad pagkatapos kong umihe. Mainipin pa naman si Catherine baka sabihin ang tagal ko. Papunta na sana ako sa may escalator ng may biglang bumangga sa akin. Hindi naman ako natinag sa p'westo ko, syempre matigas kaya ang tuhod ko para saan pa at scholar ako ng sports kung tutumba ako. "What the hell!" sigaw ng isang babae kaya napalingon ako. Namangha ako sa ganda ng babae. Hindi ako lesbian o bisexual, pero sobra akong nagandahan sa kan'ya. Napatingin ako sa suot n'yang damit, basa iyon at may dumi. Ang sama ng tingin n'ya sa akin. "Ano titingin ka na lang ba? Hindi ka man lang magso-sorry?" sabi n'ya na lalong ipinagtaka ko. Napakunot ako ng noo. "Bakit ako magso-sorry?" Hindi s'ya makapaniwala sa tanong ko. Susugurin n'ya sana ako ng pigilan s'ya ng mga kasama n'ya. "Ikaw ang may gawa nito," sabi nya sabay turo ng damit nya. "Tapos tinatanong mo ako kung bakit ka magso-sorry." Napakamot ako ng ulo ko. Paano ko naman naging kasalanan 'yun ay s'ya ang bumangga sa akin kanina. "Sorry," sabi ko na lang, para matapos na at wala ng gulo. "Sorry? Mababalik ba ng sorry mo ang iniinom ko? Matutuyo ba ng sorry mo ang damit ko?" galit na tanong niya. Sira ulo 'ata itong babae na 'to. Sayang maganda pa naman. Kanina hinihingi n'ya ang sorry ko, tapos ng mag-sorry ako ganun naman s'ya. Tsk! "Sorry na nga Ms.," sabi ko pa. Maglalakad na sana ako paalis ng magsalita s'ya 'uli. "Kung hindi ka kasi pakalat-kalat na tanga ka, hindi sana ako matatapunan ng iniinom ko!" sigaw n'ya. Humarap 'uli ako sa kan'ya. Yawa! Ang gandang babae, ang vargas ng bunganga. Napaka-scandal-losa. Sinisira n'ya ang araw ko! "Excuse me? Ako pa talaga ang sinabihan mo ng tanga?" tanong ko. Nanggigil ako sa babae na 'to, "FYI lang Ms., ikaw ang bumangga sa akin at hindi ako so practically speaking, kung meron mang tanga sa ating dalawa, ikaw 'yun at hindi ako!" "What? Sino ka para sabihan ako ng tanga?!" galit na galit na sabi n'ya. Kulang na lang magbuga ng apoy ang bunganga n'ya. Ngumiti ako ng pang-asar. "Ako? Ako lang naman ang anak ng Nanay ko. Ikaw ang nauna kaya patas lang tayo. Bye!" sabi ko at nag-wave pa sa kan'ya na lalong ikinagalit n'ya. Susugod na naman si Ate girl pero maagap ang mga kasama n'ya para pigilan s'ya. Ang laki ng problema ng babae na 'yun sa utak. Ang ganda pero ang ugali kabaligtaran ng itsura. Bahala s'yang mamatay sa galit. Hindi ko na kasalanan kung bigla na lang s'yang atakihin sa puso. Malinis ang konsensya ko. Nag-sorry na nga ako kanina pero lalo lang n'ya akong tinarayan. Tss! Kakaiba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD