Tahnia's Point of View "Sebastian!" Umalingawngaw ang sigaw ko. It was a mix of horror and shock. Agad ko siyang niyakap kasabay ng pagbagsak niya sa akin. "N-No...No..." natatarantang sambit ko. At mas lalo pa akong nataranta nang may makapa akong malapot sa likod niya. Pagtingin ko ay napaiyak na lang ako nang makita ang sariwang dugo mula sa kanya. "S-Seb...Sebastian..." tawag ko sa kanya habang pilit siyang ibinabangon. "Sabi ko naman sa 'yo may pakinabang ka," mala-demonyong saad ng lalaki habang dahan-dahang lumalapit sa amin. Kay lapad ng ngisi niya dahil tagumpay ang naging plano niya. Pagkasabi na pagkasabi ng tauhan niya kanina na lumulusob na sila Sebastian ay agad silang naghanda. At 'yon na nga ang plano nila—ang maglatag ng patibong kay Sebastian o kay Enrico at ako a

